13-taong-gulang hindi na nakapag-aral dahil solong nag-aaruga sa kanyang lola, concerned citizens tumulong

  • Isang 13-taong-gulang na apo ang solong nag-aaruga sa kanyang lolang naparalisa imbes na sana’ynakapag-aaral
  • Kahabag-habag din ang kanilang sitwasyon dahil wala silang maayos na higaan sa kanilang maliit na bahay
  • Mabuti na lang at may mga concerned citizens na nag-donate ng higaan at humanap ng paraan upang makabalik sa pag-aaral ang apo

Ang kabataan ay dapat abala sa kanilang pag-aaral dahil ito ang huhubog sa kanillang kinabukasan.

Imahe via Raymon Garcia Dullana | Facebook

Ngunit hindi para kay Larry Rueco Jr. na 13 taong gulang. Matagal na niya itong napabayaan. Imbes kasi na ballpen at papel ang pinagkakaabalahan niya, isang malaking responsibilidad ang kanyang ginagampanan na hindi pa dapat nararapat sa kanya.

Solong nag-aalaga si Larry sa kanyang lola na si Luz Mabuti ng Solana, Cagayan. Disyembre 2019 nang maparalisa si lola at mula noon ay si Larry na ang nagpakakain, nagpaliligo, nagbibihis at naglilinis ng dumi at nagpapalit ng diaper nito. Hindi na nakatatayo at nakapagsasalita si lola Luz.

Hindi rin maayos ang kanilang bahay dahil nakatira lamang sila sa isang pabahay ng gobyerno. Sira na ang mga bintana, walang sariling kuntador at kahoy pa ang ginagamit ni Larry sa pagluluto.

Natutulog sa malamig na sahig gamit ang mainipis na banig si lola samantalang sa isang duyan naman si Larry.

Imahe kuha mula sa video ni Ăirĕen De Asis Quilang via Facebook

Isang tito ni Larry na walang asawa ang nag-iisang tumutustos para sa kanilang pagkain ngunit hindi na rin ito nakauuwi dahil kung saan saan ito napupunta sa paghahanap ng trabaho sa konstruksyon.

Noong nakaraang bagyong Ulysses, mabuti at may mga nahabag na kapitbahay at inilikas nila si lola gamit ang malapad na kahoy. Nang mai-post sa social media ang mga larawan ng maglola, nakatawag ito ng pansin sa mga may ginintuang puso.

Isa na rito si Raymon Garcia Dullana na siyang nagbahagi ng kuwento ni Larry sa social media. Nahabag ito sa bata kaya gumawa ito ng paraan kasama si Jude Tuliao Bayona na maghanap ng taong magpapaaral kay Larry. Pinangako niyang babalikan ito at magseset up ng account para sa edukasyon ng bata.

Samantala, isang malayong kamag-anak na nasa abroad pa ang nanawagan din ng tulong para kay lola. Sa pagbabahagi ni Ăirĕen De Asis Quilang sa kalagayan ni lola, nabigyan siya ng higaan, diapers at pagkain.

Imahe via Gelo Cagurangan Agana | Facebook

Nakatutuwa at kahit papaano ay guminhawa na nang kaunti ang sitwasyon nina lola Luz at Larry. Ngunit sana’y magkaroon ng kasama na mas nakatatanda ang apo upang makabalik siya sa pag-aaral.

Sa lahat lahat ng pinagdadaanan ng maglola, halatang walang anak ang nag-aaruga sa kanya. Isang palaisipan sa karamihan kung bakit naiwan siya sa ganoong sitwasyon nang mag-isa.

Mahalin natin ang ating mga magulang hanggang sa kahuli-hulihan nilang hininga. Tayo ay tatanda rin. Inaruga nila tayo mula pagkabata ngunit darating ang araw na mangangailangan sila ng ating pag-aasikaso dahil sa katandaan.

Ikaw? Handa ka bang gawin iyon para sa iyong mga magulang?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: