Throwback: Maja Salvador, South Korean actor Kim Bum nagsama sa isang proyekto

  • Maraming Pinoy ang nahumaling sa Korean adaptation series na Boys Over Flowers noong 2009
  • Isa sa mga minahal ng maraming Pinoy na manonood ang South Korean actor na si Kim Bum
  • Taong 2009 din nang unang pumunta dito sa Pilipinas si Kim Bum at nagkaroon ng proyekto kasama ang aktres na si Maja Salvadpr para sa isang commercial

Isa ka rin ba sa mga nahumaling sa Korean series na “Boys Over Flowers” noong 2009? Sino ang iyong paborito sa tinaguriang F4 ng South Korea?

Imahe mula sa Fanpop

Kung ikaw ay isang K-drama fan, marahil ay kilala mo o napanood mo na ang aktor na si Kim Bum na unang nakilala sa Boys Over Flowers bilang si So Yi-jung. Ang Boys Over Flowers ay ang Korean adaptation ng manga na Hana Yori Dango at unang sumikat dahil sa Taiwanese drama na Meteor Garden noong 2003.

Maraming Pinoy fans ang nahulog ang loob kay Kim Bum dahil sa kanyang innocent look at matatamis na ngiti. At alam mo ba na minsan nang pumunta dito sa Pilipinas si Kim Bum mahigit sampung taon na ang nakararaan?

Nang naging hit series dito sa bansa ang Boys Over Flowers noong 2009 ay kinuha ng isang softdrinks company ang aktor na si Kim Bum upang bumida sa isa nilang commercial advertisement. Nakasama ng Korean aktor ang aktres na si Maja Salvador.

Imahe kuha mula sa video ng YouTube

Dinala ng RC Cola si Kim Bum sa Manila noong 2009 upang mag-shoot ng TVC kasama si Maja. Ang nasabing TVC ay may habang mahigit tatlong minuto sa direksyon ni Adrian Calumpang.

Makikita sa TVC ang baby face pa na si Maja at ang kanilang pagtatagpo ng nakabibighaning si Kim Bum at ang muntik na nilang kissing scene. Maraming Pinoy ang kinilig sa chemistry ng dalawa on-screen.

Imahe mula ILoveKStars via Facebook

Ayon sa isang panayam kay Kim Bum, inilarawan niya si Maja na  “very pretty” at pinuri ang unang naging proyekto dito sa Pilipinas. “It’s actually my first time to be in the Philippines and I’m amazed with the fresh air and nice people.”

Pagkatapos ng apat na taon na pagkawala sa industry at paglabas niya sa mandatory military service, muling mapapanood si Kim Bum sa newest Korean drama na Tale of the Nine-Tailed.

Panoorin ang buong TVC nina Kim Bum at Maja Salvador dito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: