Sweet kuya: Batang naluha nang mapuwing sa pagbibilad ng palay pinatahan ng kapatid

  • Naantig ang mga netizens sa larawang nagpapahiwatig ng pagmamahal ng isang kuya sa kanyang kapatid
  • Sa viral post, makikitang naluluha sa pagkapuwing ang isang bata sa pagbibilad ng palay
  • Kasunod nito, mapangingiti ka sa pinakitang lambing ng kuya para tumahan ang kanyang kapatid

Ang pagkakaroon ng kapatid ay isang biyaya. May kalaro ka na, may nalalapitan ka pa sa panahon ng problema.

Imahe via Jay Jay Lucid | Facebook

Gaano mo ba kamahal ang kapatid mo?

Isang nakaaantig na eksena sa social media ang pumisil sa damdamin ng mga netizens. Sa post ni Jay Jay Lucid, makikita ang ilang larawan ng mga bata na tumutulong sa pagbibilad ng palay. Isa na rito ang batang lalaking si Jap Jap. Noong una, abala siya sa paghahalo ng palay hanggang sa bigla na lang nitong hinawakan ang kanyang mata. Napuwing yata siya.

Mayamaya pa’y napaluha na siya. Mabuti na lang agad na lumapit ang kuyang si Eboy. Niyakap niya ang kapatid at pinatahan. Nakunan ng litrato ang mga sandaling iyon. Sa pinakahuling larawan, hinalikan pa ng kuya ang mata ng kapatid.

Ang sweet naman! Nakatutuwa at ang kyut tingnan. Sa murang edad ng kuya, alam na niya ang kanyang responsibilidad.

Naantig naman ang mga netizens sa mga larawang nagbibigay ng tunay na kahulugan ng pagmamahal. Nagbalik din ito sa alaala ng ilan sa kanilang kapatid.

“Very cute picture. Hindi nakasasawang panoorin, stress reliever from start to finish. Isi-share ko ito.”

“Sana lahat ganyan kalambing sa kapatid nila.”

“Like my brother used to do when we’re still young. Until now, he always has my back, whenever I needed his help financially or emotionally, he gives without questions asked. I am forever grateful yet too shy to say it. Thank you, Kuya!”

Imahe via Jay Jay Lucid | Facebook

May nagpahiwatig din ng paghanga sa kanilang mga magulang. Sabi ni Ian Sabus, “A big salute to the parents of these two children for raising them kind and caring.”

Ang viral na post na ito ay umabot na sa 22k reaction at 31k shares.

Hindi lahat nabibiyayaan ng kapatid kaya habang nariyan pa ang kuya o ate mo, huwag kang mahihiyang ipakita kung gaano mo sila kamahal.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: