‘Sobrang happy ko po sa self ko’: Janine Berdin, ibinahagi ang kuwento sa likod ng pinagdaanang cosmetic surgery

  • Ginulat ng Tawag ng Tanghalan Season 2 grandwinner na si Janine Berdin ang maraming Pinoy matapos nitong ipakita ang nakagugulat na transpormasyon ng kanyang hitsura
  • Inamin ni Janine na sumailalim siya sa cosmetic surgery wala pang isang buwan ang nakalilipas
  • Sinabi rin ni Janine na pinagawa niya ang kanyang ilong dahil iyon ang kaniyang biggest insecurity

Hindi na nakagugulat pa na malamang mayroong ibang mga personalidad o celebrities na dumadaan sa ilalim ng karayom upang mapabuti ang bahagi ng katawan na nais nilang pagandahin.

Imahe mula kay Janine Berdin via Instagram

At napabilang kamakailan sa listahan ng mga celebrity na walang takot na umamin na nagdaan sa surgery ay ang 18-anyos na si Janine Berdin na nakilala matapos tanghaling grandwinner sa season 2 ng Tawag ng Tanghalan sa Its Showtime.

Ginulat ni Janine ang maraming netizens nang kanyang ibahagi online ang litrato ng “glow up” transformation niya tampok ang kulay-purple niyang buhok at magandang mukha. Marami agad ang nakapansin na may nag-iba sa hitsura ni Janine ngayon kumpara noon.

Janine Berdin ginulat ang lahat sa kaniyang transpormasyon

Hindi naman inilihim ng singer mula sa Lapu-Lapu, Cebu na sumailalim siya sa cosmetic surgery. Sa kanyang interview sa programa ni Vice Ganda na Gabing Gabi Na Vice, ikinuwento ni Janine ang dahilan ng kanyang pagsasailalim sa surgery.

Imahe kuha mula sa video ni Vice Ganda via YouTube channel

Ani Janine, ang kanya umanong pinagawa ay ang kanyang ilong. “Yung biggest insecurity ko po talaga (ay) yung nose ko so ‘yun po yung pina-enhance ko,” kuwento ni Janine. Inamin din niya na wala pang isang buwan ang nakalipas nang sumailalim siya sa nose surgery.

At nang tanungin naman kung may epekto ang pagpapaayos niya ng ilong sa kanyang pagkanta, “Wala po. Wala po talaga. Kumakanta nga po ako lagi. Yung pinaka-effect siguro is ‘di ko pa nagagalaw masyado yung bibig ko. Parang di ko pa nao-open ng super pero ngayon unti-unti na pong bumabalik sa normal,” aniya.

Imahe mula kay Janine Berdin via Instagram

Kuwento ni Janine, labis ang kanyang naramdamang insecurity nang sumabak sa showbiz. “Lalo na po dito sa industry natin, ‘yung pressure tapos ‘yung mga sinasabi ng tao na kahit ‘yung advice po ng marami na ‘wag mo pakinggan kasi singer ka naman, ang tutukan mo talaga is yung voice mo,’ pero naapektuhan talaga ako.”

Ngayon ay labis ang saya ni Janine hindi lamang dahil sa napansin niyang kakaibang aura ng kanyang sarili dahil sa “new look” kundi dahil na rin sa pagmamahal at pagtanggap na ibinigay sa kanya ng mga Pinoy.

Panoorin ang kanyang full exclusive interview dito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: