PWD artist, gumawa ng charcoal portrait ng namayapang NBA star na si Kobe Bryant

  • Isang persons with disability na artist mula Cagayan Valley ang kamakailan ay nakagawa ng nakabibilib ng portrait ng namayapang NBA star na si Kobe Bryant
  • Gamit lamang ang charcoal powder at brush, natapos nang ipinta ng artist ang portrait ni Kobe Bryant sa loob ng apat na araw
  • Maraming netizen ang humanga sa galing at talento ng nasabing artist

Marami nang naitampok sa iba’t ibang artikulo at mga nag-viral online na mga Pinoy artist dahil sa kanilang angking talento sa larangan ng sining. Mas nakilala ang galing at diskarte ng mga Pinoy pagdating sa sining nang magkaroon ng pandemya at ginawa itong pagkakataon ng mga artist para kumita.

Imahe mula kay Coy Castillo Logan via Facebook

Marami nang Pinoy artist ang kahit mayroong kapansanan ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi sila makagawa o makabuo ng obra. Karamihan sa mga artist na ito ay kumakayod upang kumita sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga obra.

Habang may ilan namang Pinoy artist na nais lamang ibahagi ang kanilang mga obra at matunghayan ng mga kapwa Pinoy. Kamakailan ay isa ang PWD artist mula Cagayan Valley sa mga hinangaan ng maraming netizens dahil sa kanyang galing sa paggawa ng charcoal portrait.

Ibinahagi ng 24-anyos na PWD artist na si Coy Castillo Logan mula Baggao, Cagayan Valley ang kanyang ginawang obra tampok ang namayapang NBA star na si Kobe Bryant.

Imahe mula kay Coy Castillo Logan via Facebook

Ang obra niyang ito ay isang charcoal portrait na kanya umanong natapos sa loob lamang ng apat na araw. Tanging charcoal powder at brush lamang ang kanyang ginamit sa paggawa ng obra.

Kuwento ni Coy, hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang hindi niya maitampok sa mga obra ang kanyang iniidolo sa basketball na si Kobe Bryant. Ang obra niya na ito ay inilagay pa niya sa isang frame.

Imahe mula kay Coy Castillo Logan via Facebook

Labis naman ang paghanga ng mga netizen na nakakita ng obra ni Coy. Hindi naman niya maipaliwanag ang kasiyahan na naramdaman dahil sa mga natanggap na pagmamahal mula sa netizens.

“Salamat sa lahat ng naniniwala saakin at sa mga patuloy na sumusuporta saakin. Maraming-maraming salamat po sa inyo, kung hindi dahil sa inyo ‘di ko mapu-push sarili ko sa aking pangarap. Thank you so much guys!” ani Coy na bukod sa pagiging artist ay isa ring miyembro ng banda.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: