‘On ninyo camera n’yo’: Guro may nakaaaliw na mensahe sa unang meeting niya at ng mga estudyante sa online class

  • Pinusuan ng maraming netizens ang post tungkol sa isang guro at ang kanyang nakaaaliw na mensahe sa mga estudyante
  • Unang araw ng meeting sa online class ng nasabing guro at mga estudyante, at dahil naka-off ang kanilang mga camera ay pinabubukas ito ng guro
  • Nagkaroon ng “hugot line” ang guro at sinabing dapat maging proud sa sarili ang mga estudyante upang mahalin sila ng ibang tao

Iba’t ibang karanasan ang natunghayan ng mga estudyante, guro, at ng kanilang mga kapamilya o kasama sa bahay nang magsimula ang modular distance learning at blended learning dito sa bansa.

Imahe mula PNA

Ang maituturing na pinakahindi malilimutang gawain ay ang online classes na ginagawa ng mga guro at ng kanilang mga estudyante. Maraming pangyayari ang maaaring maganap sa online classes—mayroong mahina ang Internet, maingay ang kapaligiran, o kaya naman ay nahihirapang intindihin ang nangyayari sa klase.

Subalit may mga mahihirap man na pagsubok pagdating sa online classes, mayroon din namang mga pagkakataon na nakatutuwa ang klase lalo na kung masayahin o kuwela ang guro.

Sa viral Facebook post ngayon ng netizen na si Jhyck Damaso, ibinahagi niya ang naganap na unang meeting sa online classes ng kanyang ina na isang guro at ng mga estudyante nito.

Imahe mula kay Jhyck Damaso via Facebook

Katulad ng nakagawian sa tuwing unang araw ng klase, sinabi ni Teacher Jenet Damaso, nanay ni Jhyck, na magpakilala isa-isa ang kanyang mga estudyante. Sasabihin din umano nila ang edad, birthday, at sinabi niyang magyabang ang mga ito ng kanilang tatlong magagandang katangian.

“For example, ako po si Jenet C. Damaso, 50 years old, ang birthday ko ay February 24. Ako ay maganda syempre hahaha! sexy, mabait,” ani Teacher Jenet sa kanyang online class.

Pinaliwanag naman niya kung bakita kailangang “magyabang”, iyon kasi ay upang maging confident umano sa sarili ang estudyante at hindi maging mababa ang tingin niya sa sarili. Siningitan pa ito ng guro ng isang hugot line:

Imahe mula kay Jhyck Damaso via Facebook

“On n’yo camera n’yo. Bakit kayo nahihiya? Wala namang dapat ikahiya, dapat maging proud kayo sa sarili n’yo, paano kayo tatanggapin ng ibang tao kung hindi n’yo tanggap sarili n’yo? Paano kayo mamahalin ng ibang tao kung hindi n’yo mahal sarili n’yo?

Umani ang post ng mahigit 28,000 reactions na puro “heart” at 16,000 shares wala pang isang araw matapos itong i-post. Nagulat naman si Teacher Jenet sa dami ng netizens na natuwa sa nangyari sa kanyang online class.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: