Nora Aunor magkakaroon ng papel sa pelikulang tampok ang kuwento ni Doc Willie Ong

  • Ipalalabas sa digital platforms ngayong Oktubre ang kuwento tampok ang naging buhay ng kilalang doktor na si Willie Ong at ang kanyang asawa na si Liza
  • Bibida bilang si Doc Willie ang aktor na si Hero Angeles habang makakasama naman niya sa kuwento ang superstar na si Nora Aunor
  • Gaganap si Nora Aunor bilang ang pasyente ni Doc Willie na nagbigay inspirasyon sa kanya na tumulong sa kapwa

Maraming Pinoy lalo na ang mga pasyente na maraming katanungan tungkol sa kanilang pinagdaraanan ay sumasangguni at nanonood ng mga videos ng kilalang doktor na si Doc Willie Ong at ng kanyang asawa na si Dra. Liza Ong.

Imahe mula Facebook

Malaki ang tiwala ng maraming Pinoy kay Doc Willie dahil na rin sa dami ng kanyang mga natutulungan sa mga ibinabahaging libreng health advice at iba’t ibang impormasyon na malaking tulong para sa kalusugan. 26 na taon na siyang nagbibigay ng libreng help tips at medical missions.

Ngayon ay mayroon nang mahigit 14 million likers ang kanyang Facebook page na Doc Willie Ong at mahigit 4.7 million subsribers naman sa kanyang YouTube channel.

Upang mas makilala pa ng maraming Pinoy si Doc Willie at ang kanyang asawa na si Dra. Liza Ong, maglalabas ng biopic tampok ang kuwento ng buhay ni Doc Willie at ang kanyang pagkakakilala sa asawa. Ang biopic na ito ay ipapalabas nang libre sa Facebook at YouTube channel ni Doc Willie ngayong Oktubre.

Imahe mula kay Hero Angeles via Facebook

Ang biopic ay pinamagatang “I, Will: The Doc Willie Ong Story.” Bibida sa pelikula ang aktor na si Hero Angeles bilang si Doc Willie at makakasama niya rin dito ang batikang aktres at tinaguriang “Superstar” na si Nora Aunor.

Mahalaga ang papel ng karakter ni Nora Aunor sa kuwento dahil siya ang pasyente na nagbigay inspirasyon umano kay Doc Willie upang magpatuloy sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangang pasyente.

Imahe kuha mula sa video ni Doc Willie Ong via Facebook page

“May mahirap na pasyente nagsabi sa akin, ‘Gusto ko ikaw maging doktor ko habang buhay kahit mangutang pa ako,’” ani Doc Willie. “Naantig ang puso ko kaya hindi na ako tumigil sa pagtulong nang libre. Grabe tiwala ng pasyente kahit medical clerk pa lang ako. Diyan ako humugot ng lakas. God bless,” dagdag pa niya.

Ang I, Will: The Doc Willie Ong Story (2020) ay isang inspirational story tungkol sa mga pinagdaraanang paghihirap, pagsubok, at pagkakaroon ng pag-asa sa panulat ni Rod Marmol at direksyon ni Ronnie Ricketts.

Panoorin ang sneak peek video dito: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: