Michael V binalikan ang first movie nila ng late Pinoy rap icon na si Francis M

  • Binalikan ng actor-comedian na si Michael V ang unang pelikula niya kasama ang late Filipino rap icon na si Francis Magalona
  • Sa Instagram, ini-upload ni Michael V ang movie poster ng “Ano Ba ‘Yan!” bilang pag-alala sa kaarawan ni Francis M kamakailan
  • Sa comments section ng post, sinariwa rin ng mga tagahanga ng musikero ang mga alaala nito

Nagbalik-tanaw ang actor-comedian na si Michael V sa kanyang unang pelikula niya kasama ang late Filipino rap icon na si Francis Magalona; na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Image captured from Facebook

Sa Instagram, ini-upload ni Michael V ang movie poster ng “Ano Ba ‘Yan!” bilang pag-alala sa yumao niyang kaibigan. Dito ay sinariwa niya ang masasayang araw sa piling nito.

“’Hindi kami rito nagkakilala, but this is the first movie na nagkasama kami ni Francis M,” pagbabahagi niya sa caption ng litrato. “Dito ko rin nalaman na mahilig din s’ya sa comics at video games. Dito ko nai-share sa kanya ‘yong mga drawing ko–and guess what? Pareho din kaming mahilig mag-drawing!”

“I guess our real friendship along with @ogiealcasid officially started here and never ended even after he’s gone. A lot of people still remember his birthday long after he’s passed away. Long live, The Master Rapper!” pagpapatuloy niya.

Samantala, hindi naman napigilan ng Instagram users na bumalik sa kahapon matapos makita ang movie poster ng film na kinatampukang legend sa likod ng mga popular na awiting Gotta Let ‘Cha KnowCold Summer NightsMga Kababayan, at Kaleidoscope World.

“Long live Francis M., idol!” saad ni @nikkoavelino.

“One of the funniest movie noon,” pagbabalik-tanaw ng scocial medya user na si @armtinkal. “Happy birthday in heaven, my hero.”

Sabi naman ni @i.eem, “Nakaka-miss si Master. Kuwela pa naman ng mga pogings dito. Kasama si Pogings, si Making.”

Image captured from Facebook

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: