Mayor Isko nagbahagi ng throwback photo kasama ang mga kabarkada

  • Ibinahagi ni Manila City Mayor Isko Domagoso Moreno sa kanyang Facebook page ang isang throwback photo kasama niya ang mga kabarkada
  • Sa litrato ay binata pa si Mayor Isko at maraming netizens ang nagbahagi rin ng kanilang mga throwback pictures
  • Inalala ni Mayor Isko ang panahon noong kabataan niya at wala pang pangamba dahil sa COVID-19

Ano ang pinakanami-miss mo ngayong mayroong COVID-19 pandemic? Ang paggising araw-araw upang pumasok sa eskuwela o trabaho? Ang pagsakay at pakikipagsiksikan sa mga pampublikong transportasyon? Ang mga paborito mong pasyalan na malaya mong napupuntahan ano mang araw?

Imahe mula kay Sombrero Quintana Ydlaz via Facebook

Maraming binago ang pandemya, at ang ilan sa mga pagbabagong ito ay maaari nang maging permanent sa pamumuhay ng mga tao sa buong mundo. Subalit isa na marahil sa pinakabinago ng pandemya ay ang social life ng maraming Pinoy.

Sa ilalim ng safety health protocols upang iwas coronavirus ay dapat palaging nakasuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas, kinakailangan ding panatilihin ang isang metrong distansya sa ibang tao sa tuwing nasa pampublikong lugar.

Photo enhancement mula kay Michael John Crisostomo Fajardo via Facebook

Subalit paano naman kung makikipagkita na sa mga kaibigan? Dahil sa pandemya, hindi na kaagad nakakapagkita ang mga magkakaibigan ano mang oras nila gustuhin. At dahil din sa COVID-19 ay ipinagbabawal nang yumakap, makipag-shake hands, o apir sa mga kaibigan kapag nagkita-kita.

Ito rin ang mga bagay na nami-miss ni Manila City Mayor Isko Moreno sa panahon ngayon ng pandemya. Sa katunayan nga ay nagbahgi si Mayor Isko sa kanyang Facebook page ng isang throwback photo kasama ang kanyang mga kaibigan noong kanyang kabataan.

Imahe mula kay George Mitchell via Facebook

May picture ba kayo ng mga kaibigan mo? Nakaka-miss ganitong panahon na walang pangamba sa COVID-19. Chill-chill lang dati sa kanto!” ang inilagay niyang caption sa litrato. Makikita naman dito ang batang mayor kasama ang ilan pang mga binata.

Ang post ay mayroon nang 88,000 reactions at 4,000 comments. Marami namang netizen ang nagbahagi rin ng kanilang mga lumang litrato kasama ang kanilang mga kaibigan. Habang mayroon din namang nagbahagi ng kanilang litrato kasama si yorme Isko noong hindi pa siya mayor at bata pa ang kanyang hitsura.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: