Mayor Isko at Manila LGU, binuksan na ang rehabilitated public library sa Ermita

  • Naganap kamakailan ang inauguration ng Manila City Library  na matatagpuan sa Ermita
  • Ang public library na ito ay dumaan sa rehabilitation na kabilang na rin sa proyekto ng Manila local government unit
  • Sinabi ni Mayor Isko Moreno na malaking tulong ang library sa mga estudyante lalo na sa panahon ngayon dahil mayroon itong Internet access

Isa sa mga nakikitang kakulangan sa naging sistema ng new normal sa edukasyon ay ang kakulangan ng learning resources at materials ng mga estudyante. Ang mga learning resources na ito ay maaaring mga libro at iba pang aklat na maaari sanang makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Dahil walang face-to-face learning at nasa bahay lamang ang mga estudyante, ang maaari nilang maging sanggunian bukod sa mga ibinigay na modules ng mga guro ay ang pagsasagawa ng research sa Internet upang makatulong sa kanilang mga aralin.

Wala mang face-to-face learning ay binuksan pa rin ng Manila City LGU ang Manila City Library na matatagpuan sa kahabaan ng Taft Avenue sa Ermita. Ang inauguration na ito ng public library ay dinaluhan nina Manila City Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

“Naganap po ngayong araw ang inauguration ng Manila City Library upang mas mabigyan po natin ang bawat Batang Maynila ng mas malawak na access sa reading materials,” ang naging pahayag ni Mayor Isko sa kanyang Facebook page.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Ayon kay Mayor Isko, kahit walang klase ay mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng isang silid-aklatan sa isang syudad, “hindi po natin puwedeng isantabi at balewalain ang kahalagahan ng pagkakaroon ng silid-aklatan.”

Hindi lamang mga libro ang mayroon sa public library kundi mayroon din ditong mga computer na may Internet access na maaaring magamit ng mga estudyante lalo na sa pagre-research ng mga aralin.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Isko si St. Mary Publishing Corp. president Vicente Catbijan sa pagbibigay ng donasyon ng mga libro na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

“Thank you Manila City Library Director Mylene Villanueva for going beyond. Hindi kayo nagpatakot sa patuloy na banta ng technology dito sa ating syudad. Instead of holding back, you adapted to it,” ani pa ni Mayor Isko.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: