‘Masaya lang lahat:’ Raymart Santiago at Jodi Sta., kinumpirmang magkarelasyon

  • Kamakailan ay kinumpirma ng talent manager na si Noel Ferrer ang relasyon nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria
  • Namataan ang dalawan sa isang romantic date habang nasa pribadong lugar
  • Ayon sa mga nakalap na balita, nagsimula ang kanilang relasyon noong Abril subalit matagal na rin na nililigawan ni Raymart si Jodi

Hindi na nakagugulat pa ang mga “dating rumors” sa pagitan ng dalawang artista dahil na rin sa iisa nilang ginagalawang mundo sa showbiz. At sa tuwing mayroong lumalabas na balita tungkol sa magkarelasyon na mga artista, kalimitan ay dahil namamataan sila na magkasama at nakukuhanan ng litrato.

Imahe mula Instagram

Ganito ang nangyari sa aktres na si Jodi Sta. Maria at ang dating action star na si Raymart Santiago. Unang napabalita ang kanilang relasyon dahil na rin sa litrato nilang dalawa na magkasama sa tila isang pribadong lugar o resort habang napaliligiran ng romantic lights.

Subalit hindi na lang ito naging chika story dahil mismong ang talent manager na si Noel Ferrer ang nagkumpirmang magkarelasyon na sina Raymart at Jodi sa pamamagitan ng pagpost ng litrato ng dalawa sa Instagram.

Sa litrato na ibinahagi ni Noel ay makikitang magkayakap ang dalawa sa lugar kung saan din una silang nakuhanan ng litrato na magkasama at napabalita ang kanilang relasyon.

Imahe mula Instagram

Nilagyan ito ng caption ni Noel na: “We are happy that you are happy! God bless you both!” at saka naka-mention ang IG accounts nina Raymart at Jodi. At kinumpirma nga ng aktor ang relasyon niya kay Jodi sa isang panayam sa Philippine Entertainment Portal (PEP).

“Hindi naman kami KathNiel o LizQuen. Kung ano man yung inilabas n’yo, ‘yun na ‘yon. Masaya lang lahat,” matipid na sabi ni Raymart.

Ayon sa ulat ng Inquirer Bandera, nagsimulang umusbong ang relasyon nina Raymart at Jodi noong Abril, subalit matagal na umanong nililigawan ng aktor ang aktres.

Matatandaang maingay ang pangalan ng dalawa dahil sa mga dati nilang nakarelasyon. Nasa proseso pa lamang ng annullment ang kasal nina Raymart at aktres na si Claudine Barretto. Non-showbiz naman ang dating naging nobya ng aktor.

Huli namang nakarelasyon ni Jodi ang actor-politician na si Jolo Revilla noong 2018, at dati rin siyang kasal kay Pampi Lacson; ang ama ng nag-iisa niyang anak na si Thirdy.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: