Lalaki 12 na taon nang katuwang ang kanyang aso sa pangingisda

  • Kilala ang mga alagang aso sa kanilang katapatan sa mga amo, kaya tinagurian silang “man’s best friend”
  • Bukod sa kanilang pagiging tapat ay kasa-kasama rin sila ng mga amo sa mga gawain
  • Sa La Union, pumukaw sa atensyon ng photographer ang isang mangingisda at ang kanyang alagang aso na 12 taon na niyang katuwang sa paghuli ng isda

Natural na matapat ang mga alagang aso sa kanilang amo. Bukod sa itinuturing din sila na kabilang sa miyembro ng pamilya, mayroong mga alagang aso rin na iniligtas na ang kanilang among pamilya mula sa kapamahakan.

Imahe mula kay Lester Cardinez via Facebook

Sa ibinahaging mga litrato sa Facebook page ng GMA News, naitampok ang kuwento ng katapatan at pagsasamahan ng isang mangingisda sa La Union at ang kasa-kasama niyang alagang aso.

Sa mga litrato na kuha ng photographer na si Lester Cardinez, sinabi niya na naantig siya sa tagpong nakita habang nasa Barangay Baroro, Bacnotan sa La Union kaya niya ito kinuhanan gamit ang kanyang camera.

Makikita sa mga litrato ang mangingisdang si Duane Higoy at ang aso niyang si “Kobe” habang nakasakay sa kawayang bangka at nanghuhuli ng isda. Kuwento ni Duane, pangingisda ang pangunahin niyang hanapbuhay at katuwang niya rito ang asong si Kobe na 12 taon na niya kasama.

Imahe mula kay Lester Cardinez via Facebook

Makikita sa mga litrato ang galing sa pagbalanse ng asong si Kobe sa umaandar na bangkang kawayan habang isinasagwan ni Duane. Marami namang netizens ang humanga sa samahan nina Duane at Kobe.

Ayon sa website na Michelson Found Animals, natural sa mga aso ang pagiging matapat dahil sila ay itinuturing na “pack animals” at sanay sila na may katuwang sa buhay tulad ng mga tao.

“Many dog trainers and other animal experts believe this pack mentality also causes dogs to be loyal to their humans. Dogs don’t just love a good cuddle—they also think loyalty will keep them alive.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: