Katinko naglabas ng artsy packages tampok ang obra ng isang Filipino artist

  • Maituturing na isa sa mga inaasahan oil ointment pagdating sa pagpapagaling ng mga nananakit na parte ng katawan ang Katinko
  • Marami na ring iba’t ibang produkto ang Katinko at nagkaroon na rin ng sarili nitong package na naglalaman ng mga produktong ito
  • Kamakailan ay inilabas nila ang bagong package tampok sa disenyong obra na gawa ng isang Filipino artist

Marahil hindi mawawala sa inyong bahay ang iba’t ibang pangpahid na oil at ointment na karaniwang pagmamay-ari ng iyong nanay o lola. Dahil na rin sa kaginhawang naidudulot ng mga oil at oinment na ito sa ating katawan ay tinatangkilik ito ng maraming Pinoy, anuman ang kanilang edad.

Imahe mula sa Katinko Facebook page

Isa sa mga popular na brand ng mga produktong pain relief oil at oinment ang Katinko — pioneering brand ng isang health products manufacturing company mula Hong Kong at naipakilala dito sa Pilipinas noong 1980.

Maraming uri ng produkto ang Katinko na kayang mag-alis ng pangangati dulot ng kagat ng insekto, kayang magpagaling pananakit ng muscles, leeg, balikat, sprain, pananakit ng likod, sipon, sakit ng ulo, at marami pang iba.

Dahil sa ginahawang dulot ng paggamit ng mga produkto ng Katinko, pinagkakatiwalaan na ito ng maraming Pinoy. At ngayon, hindi na lamang mga pain relief products ang inilulunsad ng Katinko kundi maski na rin ang pag-promote sa galing sa sining ng mga Filipino artists.

Imahe mula sa Katinko Facebook page

Sa kanilang Facebook page ay inanunsyo ng Katinko ang proyektong tinawag nilang hashtag Katinko Artbox (#KatinkoArtbox) kung saan ay tampok sa disenyo ng karton ng kanilang produkto ang iba’t ibang obra ng mga Filipino artists.

Ang kanilang unang itinampok na mga obra ay mula kay Francis Nacion, isang local artist mula Kalibo, Aklan na nagkaroon na ng iba’t ibang art exhibits tampok ang kanyang mga paintings.

Imahe mula sa Katinko Facebook page

“With the good traits of a Filipino with hard work and good use of time, We Filipinos can look forward to a brighter and happier life. I want to show the world that the Filipino artist can be at par with the best in the world,” quote na mula kay Francis Nacion.

Ayon pa sa FB post ng Katinko, marami pang magaganap na collaborations sa pagitan nila at ng iba pang local artists. Ang Katinko Artbox ay gawa sa isang wooden box na naglalaman ng Katinko oil, ointment, at alcohol. Ito ay nagkakahalaga ng P1,500 at maaaring mabili online, bisitahin lamang ang Facebook page ng Katinko.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: