KAPE SINA UNA: Coffee shop sa tabi ng highway matatagpuan sa Antipolo

  • Agaw-pansin online ang binuksang coffee shop dahil sa kakaiba nitong iniaalok na serbisyo
  • Ang coffee shop kasi na ito ay isang mobile cafe na nakapuwesto sa gilid ng highway sa daan sa Antipolo City
  • Binuksan ang coffee shop upang habang nasa gilid ng kalsada ay maramdaman ng kanilang mga customer “probinsya feels” habang umiinom ng kape 

How do you like your coffee? Brewed? Pressed? O ayos na rin ang 3-in-1?

Imahe mula sa KAPE SINA UNA via Facebook

Para sa maraming Pinoy na coffee lover, hindi nila nauumpisahan ang araw o hindi nabubuo ang kanilang araw nang hindi umiinom ng kape sa umaga—maski nga sa hapon pati sa gabi.

Iba-iba ang kagustuhan ng mga Pinoy pagdating sa pag-inom nila ng mga kape—mayroong gustong may kasamang tinapay tulad ng pandesal upang dito ay isawsaw, mayroon namang iba na gusto nila ay tahimik lamang na nakaupo at nakatanaw sa labas ng kanilang mga bintana o pintuan habang humihigop ng mainit na kape. Mayroon namang sinasabay ang pag-inom nila ng kape habang nasa harap ng computer at mag-uumpisa nang magtrabaho.

Ganito ang naging ideya ng isang coffee shop na matatagpuan sa kahabaan ng Antipolo—ang mag-alok ng kape sa mga customer habang nakatingin sila sa malawak at magandang kapaligiran.

Imahe mula sa KAPE SINA UNA via Facebook

Kamakailan ay binuksan ang Kape Sina Una, isang mobile coffee shop na matatagpuan sa bahagi ng Marcos Highway sa lungsod ng Antipolo. Hindi tulad ng ibang cafe na mayroong gusali, ang coffee shop na ito ay isang sasakyan lamang at ang mga upuan ng customer ay gawa sa mga kahoy na nakatayo saa gilid ng kalsada.

Ayon sa pamunuan ng Kape Sina Una, ang kanilang konsepto ay upang maiparamdam sa mga customer na humihigop ng kame ang probinsya feels dahil tanaw mula sa kanilang puwesto ang bulubunduking bahagi ng Rizal.

Imahe mula sa KAPE SINA UNA via Facebook

“Kape at Tanawin sa tahimik na gabi. Tamang Chill lang,” ang nakasaad sa Facebook page ng Kape Sina Una. Bukas sila sa mga araw ng Sabado at Linggo, 4am-10am at 4pm-8pm.

Bukod sa kagustuhang ipakita sa mga customer ang magandang tanawin habang umiinom ng kape, tampok din ng Kape Sina Una ang iba’t ibang lokal na produkto sa halagang P60 pababa.

Tara, kape!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: