Kanta ni Maine Mendoza at Gracenote na “Parang Kailan Lang” nakatanggap ng 1M stream sa Spotify

  • Lumabas noong Marso ang collaboration na kanta ni Maine Mendoza at ng bandang Gracenote na may pamagat na Parang Kailan Lang
  • Ang kanta ay inilabas sa ilalim ng Universal Records Philippines na kamakailan ay mayroong magandang balita para kay Maine
  • Ayon sa Universal Records Philippines, nakatanggap na ng one million streams sa Spotify ang kanta

Karamihan sa mga artista ngayon ay hindi na lang magaling sa pag-arte kundi mayroon din silang talento sa pagsayaw at pagkanta. Kaya naman sa tuwing nagkakaroon noon ng mall shows bago pa ang pandemya ay kumakanta at sumasayaw sila para sa mga tagahanga.

Imahe mula Universal Records Philippines via Instagram

Habang may ibang artista na libangan lamang ang pagkanta o pagsayaw, mayroon namang pinapasok mismo ang pagiging singer at pagkakaroon ng sariling album na mayroong mga orihinal na kanta.

Isa ang tinaguriang “Yaya Dub” sa Eat Bulaga na si Maine Mendoza sa mga artista na hindi lang umaarte kundi kumakanta rin. Una siyang narinig na kumanta sa naging theme song ng pelikula nila na “Imagine You and Me” kasama ang ka-love team noon na si Alden Richards.

Imahe kuha mula sa video ng Universal Records Philippines via YouTube channel

Bukod sa kantang Imagine You and Me noong 2016 ay naglabas din si Maine ng kanta noong nakaraang Marso na collaboration niya kasama ang OPM band na Gracenote. Ang kanta ay may pamagat na “Parang Kailan Lang” na inilabas sa ilalim ng Universal Records Philippines.

Mapapanood ang music video ng “Parang Kailan Lang” sa YouTube tampok ang nakabibighaning si Maine habang nage-emote at kumakanta sa video. Makikita sa video na kasama ni Maine ang bandang Gracenote.

Imahe mula Universal Records Philippines via Instagram

Nasa mahigit 800,000 views na ang music video sa YouTube. At kamakailan nga ay inanunsyo ng Universal Records Philippines na nakatanggap na ang kanta ng one million stream sa kilalang music streaming app na Spotify.

“Maine Mendoza has proven once more that she is a multi-talented individual. After TV, film, publishing, and even advertising, the Eat Bulaga host has also conquered music recording. Maine’s recent feat in music industry is her collaboration with pop band Gracenote titled “Parang Kailan Lang,” which now has over 1 million streams on Spotify,” ayon sa Universal Records Philippines.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: