‘Kahit piso na lang ibenta ko na lang’: 69-anyos na nanay nangangalakal para sa anak na may malubhang karamdaman

  • Sa gitna ng pandemya ay nakatira sa isang hindi nagagamit na jeepney ang mag-inang sina Nanay Julieta at Regan
  • Kasalukuyang inaalagaan ng 69-anyos na ina ang kanyang anak na may malubhang karamdaman
  • Upang may panggastos sa araw-araw ay nangangalakal ang ina subalit kasalukyan itong matumal kaya hirap ang sitwasyon nila ngayon

Ang ina ang ilaw ng tahanan — ito ang papel ng mga nanay pagdating sa kanilang pamilya. Subalit hindi na lamang sila ang itinuturing na “ilaw” kundi sila rin ang “buhay” at “pag-asa” lalo na sa panahon na sobrang kinakailangan sila ng kanilang mga anak.

Imahe mula sa video ng Stand For Truth via Facebook

Ganito ang sitwasyon ngayon ng mag-inang sina Nanay Julieta at Regan Garsula. Nakahiga na lamang ang 34-anyos na si Regan at hindi na halos ito makatayo sa higaan. Naaksidente siya sa dati niyang pinagtatrabahuan matapos siyang mahulog sa hagdan. Dagdag pa rito ang kanyang karamdaman sa baga na nagpapahina sa kanya.

Halos mag-iisang buwan nang nakatira sina Nanay Julieta at Regan sa nakaparadang jeepney. “Kung sino maawa sa amin, buti naaawa sila,” ani Nanay Julieta na mangiyak-ngiyak dahil sa sitwasyon nila ng kanyang anak.

Makipot ang loob ng jeep, nahihirapan silang kumilos at limitado lamang ang paggalaw ng mag-ina. Hindi umano sila maayos sa dating tinitirahan kasama ang mga kapitbahay kaya napilitan silang umalis dito.

Imahe mula sa video ng Stand For Truth via Facebook

Upang may panggastos sa araw-araw, nangangalakal ang 69-anyos na si Nanay Julieta, ngunit dahil sa pandemya ay naging matumal umano ito. “Wala, kahit piso na lang ibenta ko na lang,” ani nanay.

Lubos naman ang pasasalamat ni Regan sa kanyang ina na kahit sa hirap ng kanilang buhay ay hindi pa rin siya nito pinapabayaan. Sinabi rin niya na sana ay makabalik na muli sila sa ospital.

Imahe mula sa video ng Stand For Truth via Facebook

Nang malaman ng kanilang kapitbahay na si Apple Magbutay ang kalagayan ng mag-ina, lubos itong nahabag kaya naman tinanong niya si Nanay Julieta kung anong tulong ang nais nitong matanggap. Sinabi naman ni nanay na gusto lang umano niya ay magkaroon ng maliit na kubo upang matirahan nila ng anak.

Para sa mga nais tumulong kay Nanay Julieta at Regan, makipag-ugnayan lang kay Apple Magbutay: CELLPHONE NUMBER & GCASH: 09654094182

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: