‘I’m sorry if I took it this far’: Sarah Wurtzbach sinabihan ang netizens na huwag magalit kay Pia

  • Nagulat ang maraming netizens dahil sa mga rebelasyon na inilabas ng kapatid ni Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach
  • Sa bigat ng mga paratang ni Sarah sa kanyang ate ay maraming netizens ang nagalit kay Pia dahil na rin hanggang ngayon ay wala pa siyang komento sa mga sinabi ng kapatid
  • Kamakailan ay humingi ng paumanhin si Sarah at sinabihan ang netizens na huwag magalit kay Pia

Kung ikaw ay palaging updated sa mga viral at isyu online, tiyak na nabasa mo ang tungkol sa mga nakawiwindang na ‘rebelasyon’ na ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach.

Imahe mula kay Pia Wurtzbach via Instagram

Maaanghang na mga salita ang ibinahagi ni Sarah sa kanyang sunod-sunod na Instagram stories kamakailan na naglantad sa kanilang problema pampamilya ng ateng si Pia at kanilang ina na si Cheryl Alonzo Tyndall.

Sa mga panibagong Instagram stories, sinabihan ni Sarah ang netizens na huwag magalit sa kanyang ate. “Stop hating on Pia. Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything. If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.”

Una nang sinabi ni Sarah sa kanyang maaanghang na IG stories na hindi siya sinuportahan ni Pia, emotionally at financially, sa pinagdadaanan niyang mga problema. Sinabi pa niyang sila ni Pia ay “finished as sisters.”

Imahe mula kay Pia Wurtzbach via Instagram

Humingi na ng paumanhin si Sarah na umabot sa ganoon ang kanilang away pamilya na nalaman ng publiko. ““I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.”

Inamin din niya na hindi niya nagawa iyon dahil gusto niya ng kasikatan o pera, “I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things… I really just want a hug. I feel so alone everyday.”

Imahe mula kay Pia Wurtzbach via Instagram

Nagpasalamat naman si Sarah sa mga taong kumausap sa kanya; “people that took their time to share their stories with me, about hardships in life and about everything else left unspoken.”

Hanggang ngayon ay wala pang komento ang kampo ni Pia at ng kanyang ina sa mga paratang at mensahe ng kanyang kapatid na si Sarah laban sa kanila. Harinawa’y maging maayos nang muli ang kanilang relasyon bilang pamilya.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: