‘I don’t feel 51’: Alice Dixson ibinahagi ang kanyang beauty hack

  • Hindi nahihiya ang aktres na si Alice Dixson sa kanyang edad na 51 na ipinagmamalaki pa niya sa kanyang mga litrato at vlogs
  • Ibinahagi niya na ang isa sa kanyang beauty hacks ay ang pagkakaroon ng vitamin D na nakukuha mula sa sikat ng araw
  • Maraming benepisyo ang makukuha sa vitamin D

Maituturing na sensitibong topic para sa ilang mga babae na pag-usapan ang kanilang edad at timbang lalo na kung nagdaan na sila sa panganganak at tuluyan nang nagbago ang kanilang pisikal na anyo.

Imahe mula kay Alice Dixson via Instagram

Subalit napapa-“sana all” na lamang ang maraming Pinay sa ilang mga artistang babae na maituturing nang may edad ngunit hindi pa rin naglalaho ang kagandahan ng kanilang mukha at pangangatawan.

Isa marahil sa disadvantage ng pagiging sikat na personalidad ay marami ang nakaaalam ng kanilang basic personal information tulad ng tunay na pangalan,  birthdate, at edad. Kaya naman madaling malaman kung ano ba ang tunay na edad ng isang artista.

Subalit para sa aktres na si Alice Dixson, hindi niya ikinahihiya ang edad na 51 at ito pa nga ay kanyang ipinagmamalaki dahil maituturing man na may katandaan na, hindi naman ito halata sa kanyang mukha at pangangatawan.

Imahe mula kay Alice Dixson via Instagram

Sa katunayan, marami ngang Pinoy ang bumibilib at nahuhumaling kung paano napananatili ng aktres ang ganda at kinis ng kanyang balat at maski ang fit na pangangatawan. Ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account ang mga litrato at video ng kanyang activities, at kamakailan nga ay gumawa na rin siya ng sariling YouTube channel.

Sa kanyang latest IG post, ibinahagi ni Alice ang isa sa mga sikreto ng kanyang magandang balat ang pagbibilad sa ilalim ng sikat ng araw kada umaga. “Even if not at beach, u can get your free dose of Vitamin D from the morning. Take advantage of this offer while supplies last!” ani Alice.

Ang sikat ng araw ay isa sa mga pinagmumulan ng vitamin D. Maraming benepisyo ang makukuha sa vitamin D tulad ng paglakas ng mga buto at muscles, mainam din itong pangsuporta sa immune system, pagka-iwas sa ilang karamdaman, at pagpapaganda ng kutis.


Loading...
Source :

Instagram, Health

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: