Glaiza de Castro bibida sa isang pelikulang gagawin sa Canada sa 2021

  • Kinuha ng isang Canadian film producer ang aktres na si Glaiza de Castro upang bumida sa pelikulang nakatakdang gawin sa 2021
  • Ang pelikulang ito ay joint project ng Canadians at mga Pinoy na nasa Canada
  • Kuwento ni Glaiza, ang pelikula ay may kinalaman sa ilegal na negosyo at inihambing niya sa tanyag na US series na ‘Breaking Bad’

Isa na marahil sa pinakasikat na ginampanan ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ay ang papel niya bilang si Heidi sa sikat na programang Temptation of Wife kasama sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Imahe mula kay Glaiza de Castro via Instagram

Inamin ni Glaiza na ang papel niya sa Temptation of Wife bilang isang kontrabida ang pinakamahirap niyang ginampanang role. “Circa 2012; when I decided to build and play Heidi’s character which was one of the most challenging roles I’ve done yet opened so many opportunities for me,” ani Glaiza sa kanyang Instagram kalakip ng litrato niya bilang Heidi.

Sa galing sa pag-arte ni Glaiza, hindi na nakapagtataka pang naging sunod-sunod ang kanyang pag-arte sa telebisyon at pelikula, hindi na lang bilang kontrabida kundi bilang bida na rin.

Subalit hindi na lang local scene ang humahanga sa galing sa pag-arte ng 32-anyos na aktres, kundi maski ang mga international producers ay napansin na rin ang kanyang talento.

Imahe mula kay Glaiza de Castro via Instagram

Nabalita kamakailan sa Chika Minute ng programang 24 Oras na nakatakdang bumida si Glaiza sa isang pelikula na gagawin sa Canada sa susunod na taon. Ayon sa balita, kinuha ng Canadian Film Society si Glaiza upang maging bida sa gagawin nilang pelikula.

“Joint project ito ng mga Canadian at mga Filipino in Canada at ito ay ididirek ni Filbert Wong,” ani aktres. Dagdag pa niya, ang kuwento ng pelikula ay may kinalaman sa ilegal na negosyo.

“Medyo may pagka ano siya, may pagka ‘Breaking Bad’,” aniya na ang tinutukoy ay isang sikat na American crime drama series.

Napag-usapan na rin daw ni Glaiza at ng kanyang Irish boyfriend na si David Rainey ang tungkol sa pagpunta niya sa Canada at paggawa ng pelikula. “So nu’ng sinabi ko na ‘I may do a project there,’ sabi niya, ‘I might visit you.’ Pero hindi pa sigurado, sana talaga matuloy,” ani Kapuso actress.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: