Ejay Falcon bibida bilang isang bayani sa historial film na ‘Balangiga 1901’

  • Magbabalik pelikula na ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon bilang bida sa isang historical film
  • Ang pelikulang “Balangiga 1901” ay tungkol sa mga naganap sa bayan ng Balangiga sa Easter Samar noong 1901 at ang kinuhang tatlong kampana mula rito ng mga sundalong Amerikano
  • Ang tatlong kampana ng Balangiga ay sumisimbolo sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga mananakop

Maraming bagay ang natigil noong nagkaroon ng lockdown sa buong Pilipinas—nawala ang mga sasakyan sa kalsada at pampublikong transportasyon, sarado ang mga negosyo at mga karaniwang pinunpuntahang lugar, at maski ang mga shooting ng mga programa sa telebisyon ay hindi pinayagan.

Imahe mula kay Ejay Falcon via Instagram

Ngayong unti-unti nang nagbubukas ang ilang mga industriya, kasama na rin dito ang telebisyon at pelikula. Sa ilalim ng mahigpit na health protocols upang makaiwas pa rin sa COVID-19,  pinapayagan na ang mga programa ng TV networks upang bumalik sa shooting.

Kabilang sa mga magbabalik-trabaho ay ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon na kamakailan ay nagkaroon ng leading role sa isang upcoming historical drama. Bibida ang aktor sa pinakabagong historical film na may pamagat na “Balangiga 1901.”

Sa naganap na press conference, ibinahagi ng aktor ang kanyang tuwa na muli siyang sasabak sa pag-arte sa pelikula at sa pagkakataong ito ay siya pa ang bida. Iba rin umano ang kasiyahan na bumida sa isang pelikulang magpapaalala sa kasaysayan.

Imahe mula kay Ejay Falcon via Instagram

“Sobrang excited ako, sobrang nakaka-proud kasi gagawin mo ‘yung history. Talagang makikita dito ang mga bayani natin ‘yung nangyari sa Balangiga 1901. Ito ang chance na maipakita namin ‘yung kuwento, ‘yung mga nangyari sa lahat ng mga tao, especially sa mga kababayan natin sa Eastern Samar. So ‘yun ‘yung nakaka-excite,” kuwento ni Ejay.

Ang Balangiga ay bayan na matatagpuan sa Eastern Samar na napasailalim sa mga sundalong Amerikano noong 1901. Bilang war loot, tatlong kampana ang kinuha ng mga sundalong Amerikano sa Balangiga.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Matatandaang 2018 nang isauli ng Amerika ang tatlong makasaysayang Balangiga Bells sa Pilipinas matapos ang mahigit 117 na taon. Ang mga kampana na ito ay simbolo ng pakikibaka ng mga Pilipino sa mananakop.

“Ang ipapakita namin dito ay tamang kuwento. Natutuwa ako kasi napakaganda ng kuwento at dapat mapanood ng lahat, lalo na tayong mga Pilipino. Marami ang hindi nakakaalam pero marami pa lang kuwento ng ‘Balangiga 1901,'” ani Ejay.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: