Derek Ramsey dinala sa ER matapos direktang matitigan ang UV light habang ginagawa ito

  • Matapos direktang tumingin nang bahagya sa ginagawa niyang ultraviolet (UV) light sa loob ng kanilang bahay, nakaramdam ng pananakit sa mata si Derek Ramsay
  • Mas lalo itong lumala nang kanyang buhusan ng tubig at lagyan ng eye drop kaya dinala na siya sa emergency room
  • Nagbabala naman ang mga eksperto tungkol sa panganib na dulot ng UV light at kung paano ito maiiwasan

Ayon sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH), mainam na healthcare settings ang paggamit ng ultraviolet (UV) light sa pag-disinfect sa loob ng bahay. Kaya naman marami sa mga Pinoy ang naglagay na ng UV light sa kanilang tahanan upang panlaban sa COVID-19.

Public Domain Image

Subalit gaano man kabisa ang paggamit ng UV light bilang pang-disinfect sa loob ng bahay, mayroon din itong naidudulot na masamang epekto sa balat at lalo na sa mata ng isang taong matititigan ito at matagal na na-expose.

Naging aral sa Kapuso actor na si Derek Ramsay ang panganib na dala sa pagkakatitig sa UV light nang siya mismo ang nakaranas nito. Sa panayam sa kanya at sa kasintahan na si Andrea Torres sa programa ng GMA na “Mars Pa More,” ikinuwento nila ang naging karanasan sa UV light.

Kuwento ni Derek, nakikita niyang kumikislap ang ilaw ng kanilang UV light sa loob ng bahay kaya naisipan niya itong ayusin. Nagbigay naman ng babala sa kanya si Andrea na huwag tumingin sa ilaw.

Imahe mula kay Derek Ramsay via Instagram

Subalit hindi naiwasan ng aktor na saglit itong matitigan. Nangyari umano ang insidente bandang alas-siyete ng gabi at nakapaghapunan pa sila ni Andrea at nakanood ng telebisyon.

“But at around 2am hindi ko na maidilat ‘yung mata ko. Talagang they were burning, eh ayoko naman siyang gisingin,” kuwento ni Derek. Nang hugasan niya umano ang mga mata ay mas lalong lumala ang pananakit nito. “Napilitan na akong gisingin si Andrea, at tinakbo na ako sa ospital,” aniya

Imahe mula kay Derek Ramsay via Instagram

Ayon naman kay Andrea, sinubukan niyang lagyan ng eye drops ang mga mata ng kasintahan, ngunit napasigaw na si Derek dahil dito. Akala ng aktor ay nawalan na siya ng paningin dahil sa nangyari.

Sa nakapanayam na mga eksperto, ang matagal umano na exposure sa UV light ay maaaring magdulot ng photokeratitis o photoconjunctivitis. Kaya’t maiging walang tao sa loob ng bahay o kuwarto kapag nakabukas ang UV light habang nagdi-disinfect. Huwag na huwag din umanong direktang tititigan ang mga UV light.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: