Catriona Gray sinubukan ang Yakan tribe face painting na “Tanyak Tanyak”

  • Bilang dating Miss Universe, kilala si Catriona Gray sa pagsuporta at pag-promote ng iba’t ibang kultura dito sa Pilipinas na hindi pa nalalaman ng ilang Pinoy
  • Sa kanyang social media accounts ay ibinabahagi ni Catriona ang mga kuwento at kultura ng ilang mga Pinoy
  • Kamakailan ay sinubukan niya ang face painting ng Yakan tribe na “Tanyak Tanyak”

Bilang isang Pilipino, masasabi mo bang alam mo na ang lahat ng iba’t ibang tradisyon at kultura dito sa Pilipinas? Nakalibot ka na ba sa buong kapuluan ng bansa? Ano-anong mga tourist destination sa bansa ang iyong napuntahan at gustong puntahan?

Imahe mula kay Catriona Gray via Instagram

Hindi man lubos na maikot at mapuntahan ng maraming Pinoy ang buong sulok ng bansa dahil sa dami ng ating kapuluan at kamahalan sa plane tickets, mayroon namang mga personalidad na lumilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tunghayan ang mga tradisyo at kultura na ibinabahagi rin sa ibang Pinoy upang dagdag sa kanilang kaalaman.

Isa si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga itinuturing na advocate ng iba’t ibang kultura sa kapuluan ng Pilipinas. Ang kanyang mga paglalakbay at pagkatuklas sa mga lugar na hindi pa ganoon kilala ng mga Pinoy ay kanyang ibinabahagi sa kanyang social media.

Kamakailan ay sinubukan ni Catriona ang tinawag niyang “sariling makeup” ng tribo ng Yakan na matatagpuan sa lungsod ng Zamboanga. Ang makeup na ito o face painting ay tinatawag na “Tanyak Tanyak.”

Imahe mula kay Catriona Gray via Instagram

Kuwento ni Catriona, ang Tanyak Tanyak ay iginuguhit lamang sa mukha ng mga magkasintahang Yakan na ikakasal. “Kaya I’m so honored to be able to experience the art of Tanyak Tanyak firsthand with the blessing of the Yakan Tribe Leader, done by the Yakan tribe themselves,” ani Miss Universe 2018.

Sa paggawa ng Tanyak Tanyak, ginagamit umano sa pagpinta ng patterns ang rice flour, tubig, at bamboo tools. Iginuguhit sa mukha ang mga simbolo ng buwan at bituin. “It represents the moon and stars being witness to your love,” dagdag pa ni Catriona.

Sobrang ganda ng kultura natin, noh?


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: