Buhay public high school: Mayor Isko nagbahagi ng throwback photo

  • Ibinahagi ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang Facebook page ang isang throwback photo kasama ang mga classmates noong high school
  • Ang litrato ay kuha noong nag-aaral pa si Mayor Isko sa isang public high school
  • Marami namang netizens ang inalala rin ang kanilang buhay sa high school at mga luma nilang litrato

Isa na marahil sa pinakanakalulungkot na pangyayari sa mga estudyante ngayong mayroong pandemya ay ang hindi makita ang mga kapwa mag-aaral. Hindi tulad noon na halos araw-araw nagkikita ang mga magkakaklase, ngayon ay nagkikita na lamang sila gamit ang mga virtual meetings.

Imahe mula kay George Mitchell via Facebook

Marami mang pagsubok ang pagiging high school student, gumagaan naman ito dahil sa mga kaklase na nakakasama sa lahat ng mga pinapagawa sa paaralan. Bukod pa rito, tuwing uwian ay hindi rin nawawala ang pagkakaroon ng bonding sa mga magkakaklase na lalong nagpapatibay sa kanilang pagsasama.

Kaya naman maraming Pinoy ang nalulungkot kapag sila ay nagtapos na sa high school. Inaalala na lamang nila ang masasayang sandali kasama ang mga kaklase sa pamamagitan ng pagtingin sa mga lumang litrato.

Ganito sinariwa ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kanyang naging buhay noong siya ay estudyante pa lamang sa high school. Ibinahagi niya ang isang litrato kasama ang mga kaklase niya sa isang public high school.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Nilagyan ito ni Mayor Isko ng caption na: TBT mga Batang Maynila! Buhay Public High School. Meron ka rin ba picture ng mga classmates nyo?”  Nilagay din niya ang hashtag na #HighSchoolLifePicChallenge

Umani ang nasabing litrato ng batang si Mayor Isko kasama ang mga kaklase ng mahigit 79,000 reactions mula sa netizens na naka-relate rito. Nagbahagi rin ang ilang netizens ng mga litrato nila noong sila ay mag-aaral pa kasama ang mga kaklase.

Mayor Isko nagbahagi ng throwback photo kasama ang mga kabarkada

Photo enhancement mula kay Michael John Crisostomo Fajardo via Faceboo

“You are blessed. With your humble hearts despite of poverished young life you didn’t give up. You are such an inspiration. Thank you for your genuine, unselfish, honest service to the people of Manila,” ani naman ng isang netizen na nag-iwan ng kanyang komento.

Maaalalang nagbahagi rin noon si Mayor Isko ng kanyang litrato kasama namang ang kanyang mga kabarkada at kanyang inalala ang buhay noong kanyang kabataan at wala pang pandemya.


Loading...
Source :

Facebook, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: