Budol-budol nauuso na naman: Lalake naibigay ang cellphone kapalit ng isang ‘bundle ng pera’

  • Nilapitan ang isang lalaki ng matanda upang magtanong kung saan makakukuha ng drayber para maihatid ang kanilang isda
  • Sa galing ng panlilinlang ng matanda, napilitan ang lalaki na ibigay ang kanyang cellphone para hindi niya itakbo ang pinatago sa kanyang pera
  • Binuksan ng lalaki ang bundle ng pera at nadiskubreng na-scam pala siya

Dahil sa kagipitan ngayong may pandemya, dumarami na naman ang mga nambubudol. Basahin ang kuwentong ito upang maiwasang mabiktima nito.

Imahe via Pixabay

Naglalakad umano si Darren M. Esliza II sa monumento noon gOktubre 18 nang may kumausap sa kanya na matandang lalaki. Nagtatanong ito kung may alam ba raw siya na puwedeng makukuhaan ng driver para ihatid ang mga isda nila sa Batangas. Nagsabi nang walang alam si Darren ngunit nagpapatulong na lang ang lalake na magtanong sa iba. Itinuturo sa kanya ang isa pang lalaki.

Matapos makapag-usap, inalok pa siya ng meryenda. Tumanggi na siya. Napansin niyang ika-ika maglakad ang matanda. Nasagasaan daw at naipit ang paa kaya ganon siya maglakad.

Maya-maya, may ipinapatago kay Darren na P17k ang matanda. Nakalagay ito sa medyas at pinalalagay sa kanyang bag. Para kunwaring makasiguro na hindi itatakbo ni Darren at ng lalaki ang pera, nanghihingi ito ng kapalit. Binigay ng lalaki ang kanyang cellphone at wallet sa matanda. Nang kinulit ng matanda si Darren, napilitang siyang ibigay ang kanyang cellphone.

Sumama ang lalaki sa matanda para kunwaring tulungan itong maghanap ng driver. Samantala, sinabihan si Darren na mag-antay siya sa kabilang tawid, sa Jollibee. Habang papunta siya roon, nakita niyang sumakay ng taxi ang dalawa.

Doon na siya kinutuban. “Na-scam ako,” sabi niya sa sarili. Tiningnan niya ang pinatabing pera. Isang P100 lang ito at puro papel na ang kasama. Ang totoo niyan, magkasabwat ang dalawang lalaki.

Imahe via Darren M. Esliza II | Facebook

Ang script ng modus na ito ay karaniwam nang ginagamit ng mga nambubudol ngunit marami pa rin ang nahuhulog sa bitag. Habang kinakausap ka, may parang anong kakayanan silang ilinlang ka at mahihirapan ka nang makaalis sa usapan.

Kaya lagi tayong maging maingat sa pakikipag-usap sa mga hindi natin kilala. Huwag agad magtiwala dahil maaaring mawala sa atin nang ganon na lang mga pinaghirapan natin.

Samantala, sa post ni Darren sa social media sa nangyari sa kanya, maraming netizens ang umaming nangyari na rin daw ito sa kanila at ‘yong matandang lalaki rin ang itinuturo nila.

Sana’y lalo tayong maging dobleng ingat lalo na’t kapag tayo ay nag-iisa lang sa daan. Sana’y maaksyunan din ito ng mga pulis para wala na silang maloko pa. Kung totoo man ang nahihipnotismo, iwas na rin tayong tumingin sa mata at huwag nang makipag-usap sa hindi kakilala. Agad nang lumayo.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: