‘Blue hair don’t care’: Maine Mendoza ipinasilip ang kanyang asul na buhok

  • Ginulat ni ng Kapuso actress and host na si Maine Mendoza ang maraming fans at netizens sa kaniyang latest Instagram post
  • Makikita kasi sa litrato na kulay asul na ang buhok ni Maine at sinabi niyang hindi ito dahil sa filter
  • Marami naman ang sumang-ayon na bagay sa aktres ang bagong kulay ng kanyang buhok

Para sa ibang mga tao, bukod sa natural na kulay ng kanilang buhok ay nais nilang subukan din ang mga ibang kulay kaya pumupunta sila sa mga salon upang magpakulay ng buhok.

Imahe mula kay Maine Mendoza via Instagram

Karaniwang pula, brown, o blonde ang mga pinapakulay sa buhok ng mga Pinoy. At sa pagdaan ng panahon ay mas lalong dumami ang maaaring ipakulay sa buhok sa iba’t ibang paraan at istilo.

Itinuturing na isang mapangahas na hakbang ang pagkukulay ng buhok lalo na kung ang kulay na ilalagay ay matingkad. Sa ayaw man natin o hindi, mayroong ibang mga kulay ng buhok na binabagayan lamang ang ilang mga klase ng tao.

Kaya naman isang matapang na hakbang ang ginawa ng Kapuso actress-host na si Maine Mendoza matapos niyang gulatin ang mga fans at netizens sa bagong kulay ng kanyang buhok na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Imahe mula kay Maine Mendoza via Instagram

Simula noong sumikat ang tinaguriang “Yaya Dub” na si Maine, itim lamang ang nakasanayan nating kulay ng kanyang buhok. Subalit ngayon, nagpakulay na ng buhok ang aktres at ito ay kulay asul.

Nilagyan ni Maine ang kanyang litrato ng caption na: blue hair, don’t care, at sinabi niyang wala itong filter hindi tulad ng mga nauuso sa Instagram. Umani ang litrato ni Maine na kulay asul ang buhok ng mahigit 240,000 likes.

Sumang-ayon din ang mga netizens na bagay sa aktres ang bagong kulay ng kanyang buhok. “Perfection;” “Suits you!” “Mukha kang foreigner;” “Bagay na bagay sa’yo Maineang ilan sa mga komento ng netizens.


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: