Before at after photos ng Masungi Georeserve sa Baras, Rizal pinuri ng netizens

  • Ibinahagi ng Masungi Georeserve ang conservation area na matatagpuan sa bahaging Rizal na unti-unti nang nagiging mabuti ang kalagayan 
  • Taong 1990s nang halos  makalbo na ang bundok dahil sa mga ilegal na gawain ng logging at iba pa
  • Sa proyekto ng Masungi Georeserve at DENR ay napangalagaan ang lugar at napanatili ang ganda nito pagkatapos ng 20 taon

Ang ating kapaligiran ang ating tahanan. Mahalagang mapangalagaan ang ating inang kalikasan dahil hindi lang niya tayo pinoprotektahan ngayon kundi maski ang mga susunod pang henerasyon.

Imahe mula sa Masungi Georeserve via Facebook

Subalit dahil na rin sa kasakiman ng ibang tao ay unti-unting nasisira ang ating kalikasan lalo na ang mga bulubundukin na nagiging biktima ng iba’t ibang ilegal na gawain tulad ng pagpuputol ng puno at pagtapyas ng mga lupa at bato.

Mabuti na lamang at mayroong mga grupo dito sa bansa na nakikipagtulungan sa departamento ng ating gobyerno upang masagip at mapangalagaan ang mga lugar sa ating kalikasan na nagdusa dahil sa mga ilegal na gawain.

Isa ang lugar sa Baras, Rizal noong taong 1990s sa mga labis na naapektuhan ng mga gawain tulad ng pagpuputol ng puno. Halos makalbo na ang lugar dahil sa kawalan ng mga puno at lupa.

Imahe mula sa Masungi Georeserve via Facebook

Sa Facebook post ng Masungi Georeserve Facebook page ay ibinahagi nila ang kuwento kung paano muling nabuhay ang kapaligiran sa Baras, Rizal dahil sa ginawa nilang proyekto kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“In the 1990’s, Masungi’s limestone formations and forests were devastated by rampant logging and land speculation, among others. Every day, you could hear the sound of chainsaws cutting down trees. Thankfully, the area became part of a joint venture project between the DENR and Masungi Georeserve Foundation’s mother company, Blue Star, leading to sustained protection of the threatened landscape for over twenty years!” ani sa post.

Imahe mula sa Masungi Georeserve via Facebook

Ibinahagi nila ang litrato ng hitsura sa Baras, Rizal noong 1996 at kung ano na ang hitsura nito noong 2016 hanggang sa ngayon na isa na itong conservation area. Kitang-kita ang malaking pagbabago ng bundok na dati ay halos makalbo na ngunit ngayon ay umaapaw na sa dami ng mga puno.

Pinuri ng netizens ang proyektong ito ng Masungi Georeserve at DENR at hiniling na sana ay hindi na muling bumalik sa dating kalagayan ang lugar. “Bravo! Spectacular effort ! We need the whole country to see what can be done to protect Mother Nature!”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: