‘Bawal pa lumabas’: Anak ni Pokwang na si Malia, may nakaaaliw na video habang nais nitong buksan ang gate

  • Nagbigay good vibes sa maraming netizens ang dalawang taong gulang na anak ng komendyante na si Pokwang na si Malia O’Brian
  • Sa video na ibinahagi ng komedyante sa social media, makikita si Malia na nasa kanilang gate habang umiiyak
  • Pinipilit kasi ni Malia na lumabas ng kanilang bahay upang pumunta sa opisina

Sumasangguni ang maraming Pinoy netizens sa social media upang magbahagi ng kanilang mga litrato at video, mag-post tungkol sa kanilang mga karanasan, hinaing, at iba pa, at upang din aliwin ang mga sarili sa pamamagitan ng pagtingin ng iba’t ibang posts online.

Imahe mula kay Pokwang via Instagram

Karamihan sa mga netizen na nais makakita o makanood ng good vibes online ay nagpa-follow o like sa mga social media pages ng mga artista o celebrity na mayroong cute na mga anak.

Bukod sa nagdadala ng good vibes ang mga anak ng celebrities online ay talaga namang totoo ang lahat ng kanilang inaasta at pagpapahayag ng mga saloobin. At isa na nga sa mga naghatid good vibes sa netizens kamakailan ay ang dalawang taong gulang na anak ng komedyanteng si Pokwang na si Malia O’Brian.

Imahe kuha mula sa video ni Pokwang via Instagram

Sanggol pa lamang si Malia, na tinatawag ding “Tisay,” ay nagbabahagi na si Pokwang ng mga cute at adorable videos at litrato niya sa kanyang Instagram account. Sa ngayon ay mayroong mahigit 2.4 million followers si Pokwang sa kanyang Instagram account.

Kamakailan ay nagbahagi ang komedyante ng video ng kanyang anak na may caption na: Pakinggan nyong mabuti saan daw sya pupunta? Sa video ay makikita si Malia sa harap ng kanilang gate habang ito ay tila umiiyak at pinipilit buksan ang gate.

Imahe kuha mula sa video ni Pokwang via Instagram (I-click ang imahe upang mapanood ang video)

Sa video ay maririnig na tinanong ng komedyante kung saan gusto pumunta ng kanyang anak na sinagot naman ni Malia ng “I will go office today.” Biniro naman siya ng kanyang nanay at tatay na pupunta sila ng opisina. Sa huling bahagi ng video ay makikitang nakangiti na si Malia habang sinasabing “come on, come on!”

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 755,000 views ang nasabing video ni Malia kung saan nag-comment din ang mga kasamang artista ng komedyante.

 

View this post on Instagram

 

pakinggan nyong mabuti saan daw sya pupunta? @malia_obrian 😆😁😀😃😄🤣

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: