Balik-tanaw: Aling programa ang iyong sinusubaybayan tuwing weekend?

  • Bago nauso ang Internet ang telebisyon ang naging pangunahing pinagkukunan ng libangan ng maraming Pinoy dahil sa iba’t ibang programa
  • Sa weekend lalo na sa araw ng Linggo, maraming TV network ang nagpapalabas ng mga nakatatakot na programa
  • Inalala ng mga netizen ang ilan sa mga programang ito na kanilang sinusubaybayan

Bago pa nauso ang mga maaaring mapanood sa Internet tulad ng YouTube, Netflix, at marami pang video streaming sites, ang telebisyon ang binabalingan ng maraming Pinoy upang makapanood ng mga nakaaaliw na programa.

Imahe mula Facebook

Bukod sa mga balita, drama, at komedya na inaabangan ng marami ay mayroon ding ilang programa na nagtampok ng mga makatindig-balahibong mga kuwento mula sa tunay na karanasan.

Dahil nalalapit na naman ang Nobyembre, ang buwan ng Undas at Halloween, inalala ng ilang netizens ang mga programang kanilang inaabangan tuwing Linggo na nagpapalabas ng mga nakatatakot na kuwento.

Una sa listahan ay ang programang “‘Wag Kukurap” ng GMA Network na napapanood tuwing Sabado at itinatampok ang mga totoong kuwento ng mga tao base sa best selling horror books na True Philippine Ghost Stories at Haunted Philippines.

Imahe mula Facebook

Ang aktor na si Dingdong Dantes ang host ng programa na nagsimulang umere noong 2004 at natapos noong 2006.

Sunod ay ang “Kakabakaba Adventures” na ipinalabas naman noong 2003 hanggang 2005 sa GMA Network. Isinasadula rito ang mga katatakutang kuwento tampok ang iba’t ibang artista ng GMA.

Isa rin sa mga inaabangan tuwing weekend ay ang “Misteryo” tampok ang host na si Ryan Eigenmann. Hindi tulad ng ilang programa na isinasadula ang mga nakatatakot na kuwento, mapapanood sa Misteryo ang totoong engkwentro sa pagitan ng mga tao at ng mga kababalaghan.

Imahe mula Facebook

“Misteryo captures on tape the spine-tingling encounters as Ryan tries to experience first hand that which many fear to face,” ayon sa isang artikulo tungkol sa programa nang ipalabas ito sa telebisyon noong 2009 at nagtapos noong 2011.

Bukod sa mga nabanggit na programa, isinama rin ng ilang netizens ang programang “Nginiiig” ng ABS-CBN. Nagtagal ang programa mula 2004 hanggang 2006 tampok ang iba’t ibang host na sina Raymond Bagatsing, Jericho Rosales, Hero Angeles, Rayver Cruz, Maja Salvador, at John Wayne Sace.

y


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: