Bagong sistema ng contact tracing at operations center, inilunsad ng Pasig LGU

  • Bilang hakbang kontra COVID-19, inilunsad ng Pasig City local government unit (LGU) ang ilang mga proyekto kabilang na ang bagong sistema upang mas mapadali ang contact tracing
  • Binuksan din ang bagong opisina ng Pasig Health Monitor
  • Imbes na isulat sa papel ang mga detalye para sa posibleng contact tracing, magda-download na lamang ng QR code at ito na mismo ang i-scan

Isa sa mga nagsilbing mahalagang hakbang upang labanan ang COVID-19 pandemic dito sa Pilipinas ay ang pagkakaroon ng contact tracing sa lahat ng lugar. Sa pamamagitan nito, malalaman kung sino-sino ang nakasalamuha ng isang COVID-19 positive patient at kung sino sa mga ito ang naging positibo rin o hindi.

Imahe mula sa Vico Sotto Facebook page

Sa pamamagitan ng maagap na contact tracing ay nalalaman agad kung sino ang kinakailangang i-isolate o i-quarantine upang maiwasan na makahawa pa sa iba. Dahil sa kahalagahan ng contact tracing ay daang-daang libong manggagawang Pinoy ang nag-apply at naging contact tracers sa kanilang lugar.

Bukod sa maituturing din na frontliners ang mga contact tracers at sila rin ay exposed mula sa COVID-19, nakaisip ng panibagong sistema ang Pasig City LGU upang mas mapadali ang pagko-contact tracing at para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.

Imahe mula sa Vico Sotto Facebook page

Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na operational na ang bagong Contact Tracing at Operations Center sa kanilang lungsod. Sa bagong sistema ng kanilang contact tracing, gagamit ang Pasig ng QR codes kung saan dito nakapaloob ang mga detalye tungkol sa residente.

“Sa kasalukuyan ay nagfifill out tayo ng forms o log books sa pagpasok ng mga establishments, mga stores sa mall. Sa halip na magfill up ng forms, ipapakita na lamang po ang QR code,” ayon sa Facebook post ng Pasig City Public Information Office.

Imahe mula sa Vico Sotto Facebook page

Kapag na-scan ang QR code ay direktang mapupunta ang datos nito sa Pasig Health Monitor upang matukoy kung ang mga nakasama nito sa establisimyento ay nag-positive sa COVID-19. “Kapag natukoy natin agad kung sino ang mga close contact, mate-test natin sila agad, maa-isolate kung kinakilangan,” dagdag ng Pasig PIO.

Ngayon ay hinihikayat ni Mayor Vico ang mga residente ng Pasig na i-download ang Pasig Pass o ang magsisilbing QR code.

“Pag nakita nating maayos ang sistema at wala nang ‘bugs’ ang app, palalawakin natin ang implementasyon nito sa mga pribadong establisyemento,” ani Mayor Sotto.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: