Bago pa nauso ang chats at social media, ano ang kuwentong textmate mo?

  • Nagbalik-tanaw ang maraming netizens sa isang Facebook group kung saan miyembro ang mga itinuturing na “batang 90’s”
  • Sa isang post kasi ay ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng cellphone na mayroon pang keypad at may natanggap na text na nagsasabing “Hi can u be my txtmate?”
  • Nagbahagi naman ang mga netizen ng kanilang karanasan noon tungkol sa pagkakaroon ng textmate

Bago pa nauso ang social media ngayon at kung ano-ano pang social networking sites, ang naging libangan ng maraming Pinoy ay ang texting gamit ang mga sinaunang cellphones na mayroon pang keypad.

Imahe mula Freepik

Hindi tulad ng mga smartphones ngayon na halos touchscreen na, mayroon lamang keypad at maliliit na screen noon ang mga nausong cellphone. Hindi rin tulad ngayon na built-in na ang karamihan ng mga battery, noon ay makakapal at maaaring tanggalin ang mga batteries sa cellphone kaya naman matagal ang buhay ng mga ito.

Kung naabutan mo pa ang kauna-unahang Nokia 3310, Space Impact, at pag-register ng unli text at unli calls ay siguradong kabilang ka sa henerasyon na tinatawag na batang 90’s.

Simple lamang ang pakikipag-communicate noon nang hindi pa nararating ang modernisasyon tulad ngayon. Ang pakikipag-text sa kung sino-sinong tao ang nakagawian ng mga Pinoy noon tulad ng kung paano makipag-chat ang mga Pinoy ngayon.

Imahe mula Facebook

At upang makipagkilala o makipagkaibigan ay nagpapadala lamang ng text ng isang tao sa iba pa. At ang karaniwan nga niyang sinasabi ay “can u be my txtmate?”

Ito ang ibinahagi ng netizen na si Basalo Jack Azucena nang kanyang ipost ang litrato ng isang cellphone na may natanggap na text na “Hi can u be my txtmate?”

Umani ng libo-libong likes at shares ang nasabing post, at nagbahagi rin ang mga Pinoy sa comments section ng kanilang mga karanasan tungkol sa pagkakaroon ng textmate.

Ani ng marami, ang karaniwang reply umano sa “can u be my txtmate?” ay “hu u?” “where did you get my number?” o “do i know you?” Samantalang inamin naman ng iba na dahil sa textmate ay nagkatuluyan sila ng kanilang mga karelasyon.

Ikaw, ano ang kuwentong textmate mo?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: