Arci Muñoz pinangalanan ang bagong biling lote na “Park Jimin,” hango sa pangalan ng BTS member

  • Kilala ang aktres na si Arci Muñoz bilang isang solid ‘army‘ o fan ng kilalang Korean boy group na BangTan SoNyeonDan o BTS
  • Isa sa kanyang ‘bias’ o pinakapaborito sa mga miyembro ng BTS ay si Park Jimin
  • Ang kabibili lang niyang lote ay pinangalanan niyang Jimin Park bilang birthday gift sa BTS member

Kilala mo ba ang mga “army” sa K-pop world? Ito ang tawag sa mga fans o tagahanga ng kilalang Korean boy group na BangTan SoNyeonDan o mas kilala sa tawag na BTS.

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Mula sa iba’t ibang lahi, kasarian, at edad ang mga fans at sumusuporta sa BTS na hindi lang tanyag sa Korea kundi sa marami pang bansa kabilang na ang Pilipinas.

Isa ang aktres na si Arci Muñoz sa mga maituturing na army at avid fan ng BTS at hindi siya nahihiyang ipakita ito at ang kanyang pagiging-fangirl sa edad na 31. Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi ni Arci ang mga litrato at video ng pagpunta niya sa South Korea at pag-attend sa concerts ng BTS.

Nangongolekta rin siya ng mga item na pino-promote ng K-pop boy group. Ang kanyang ‘bias’ o ang pinakapaborito sa mga miyembro ay si Park Jimin o mas kilala sa tawag na Jimin.

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Kamakailan ay ipinagdiwang ng maraming army sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ika-25 na kaarawan ni Jimin — kabilang na rito si Arci. Subalit imbes na special greetings ang iregalo ni Arci kay Jimin tulad ng iba ay pinangalanan niyang “Jimin Park” ang kabibili niya lang na lote.

“You now have yer own forest in the Philippines Park Jimin. Welcome to #jiminpark nature park!” ang hayag ng aktres sa kanyang Instagram kasama ang litrato sa nasabing bakanteng lote na mayroong nakatayong signage na “Welcome to Jimin park.”

Imahe mula sa BTS Big Hit Official via Instagram

Itinampok din ito ni Arci sa kanyang latest vlog; “My simple gift for BTS Park Jimin for his birthday” ang inilagay na description ng aktres. Kuwento ni Arci, noong nakaraang Enero ay nagtanim sila ng puno sa bakanteng lote na kanyang nabili bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Panoorin ang kanyang vlog dito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: