‘A new chapter, a new home:’ Khalil Ramos lumipat na sa GMA Network

  • Kamakailan ay inanunsyo ng GMA Network ang kanilang pinakabagong talent sa GMA Artist Center na si Khalil Ramos
  • Mula si Khalil sa ABS-CBN at nagpasalamat siya sa dating network dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya
  • Excited si Khalil sa kanyang “new home” kung nasaan rin ang kanyang nobya na si Gabbi Garcia

Bukod sa pinagdaraanan ng ating bansa na “new normal,” naging normal na rin ang paglilipat-lipat ng mga artista mula sa isang TV network, papunta sa isa pa. Lalo ngayon na maraming nagbago sa industriya, hindi na nakapagtataka pang mayroong mga artista na lumilipat ng ibang “tahanan.”

Imahe mula kay Khalil Ramos via Instagram

Isa sa mga pinakabagong artista na lumipat ay ang singer-actor na si Khalil Ramos na unang napanood sa programang Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN siyam na taon na ang nakalilipas.

Ngayon ay inanunsyo ng GMA Network na kabilang na si Khalil sa pinakabagong talent ng GMA Artist Center matapos itong pumirma ng kontrata sa network. “Now that he’s officially a Kapuso, let’s get to know more about the multi-talented #KhalilRamos in our feature!” ani ng Instagram post ng GMA Network.

Imahe mula kay Khalil Ramos via Instagram

Nagpapasalamat naman ang 24-anyos na aktor sa init ng pagtanggap sa kanya ng tinawag niyang new home. “I’m overwhelmed by the support I’ve been getting during this momentous event in my life. 😌 I can’t be more grateful for @artistcenter & @gmanetwork for welcoming me with open arms!” ani Khalil sa kanyang IG post.

Nagbalik-tanaw naman si Khalil sa dati niyang network at nagpasalamat sa ibinigay sa kanyang oportunidad. “I will always be thankful for all the people who helped me become the person I am today. Thank you. I will never forget what you have done for me. Forever grateful,” mensahe ng aktor.

Imahe mula kay Khalil Ramos via Instagram

Excited na si Khalil sa panibagong chapter ng kanyang career lalo na at kasama na niya sa iisang network ang nobyang si Gabbi Garcia. ” I am super thrilled to be given the opportunity to continue telling stories! Again, thank you GMA & Artist Center for the trust! Cheers!”

Abangan ang mga darating na proyekto ni Khalil at kung pagtatambalin kaya sila ng kanyang nobyang si Gabbi.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: