60-anyos na artist mula Lucban, Quezon gumuhit ng obra tampok si Whang-Od gamit lamang ang mga krayola

  • Libo-libong netizen ang namangha sa gawa ng isang senior citizen Pinoy artist gamit lamang ang mga krayola
  • Iginuhit ng nasabing Pinoy artist ang pinakamatandang mambabatok sa Kalinga na si Apo Whang Od
  • Bukod kay Whang Od, marami pang obra ang sc artist na mula sa Lucban Quezon

Getting older makes you no wiser, but number of lessons that learned.” ― Toba Beta

Imahe mula kay Krelle Empleo via Facebook

Mayroong dahilan kung bakit mataas ang respeto at karangalan ang ibinibigay sa mga matatanda na namumuhay sa ating lipunan. Bukod sa dami na ng kanilang mga pinagdaanan sa buhay, maituturing din silang marami nang nalalaman tungkol sa mga bagay-bagay base sa naging karanasan.

Idagdag pa rito ang mga matatanda sa lipunan na mayroong angking galing at talento lalo na sa tinahak nilang karera at hanggang ngayon ay kanila pa ring ipinagpapatuloy. Nahasa ng maraming taon ang ilan sa mga galing at talento lalo na ng ating mga lolo at lola.

Ito ang ipinagmamalaki ng magkapatid na sina Jemil at Krelle Empleo na mayroong tatay na isang local artist at gumagawa ng ma nakamamanghang obra gamit lamang ang mga krayola. Ang tatay nilang ito ay si Antonio Avila Empleo, 60 anyos at isa nang senior citizen subalit hindi pa rin retirado sa paggawa ng kanyang mga sining.

Imahe mula kay Krelle Empleo via Facebook

Ibinahagi nina Jemil at Krelle ang mga obra ng kanilang ama sa social media. At ang pinakanakamamangha rito ay gawa lamang sa krayola ang mga iginuhit ni Antonio Empleo, isang pintor, sculptor, musician, at imbentor sa Lucban, Quezon.

At ang pinakapumukaw sa pansin ng mga netizen ay ang iginuhit ni Tatay Antonio na portrait ng pinakamatandang mambabatok sa Kalinga na si Apo Whang Od. Ang obra ay nakabibilib dahil sa galing ng pagkakagawa ng mga komplikadong detalye sa litrato gamit lamang ang krayola.

Imahe mula kay Krelle Empleo via Facebook

Kuwento ni Krelle, hindi umano gaanong kilala ang kanilang tatay sa kanilang lugar. Kaya naman naisipan nila ng kanyang kapatid na ibahagi sa mga netizen ang gawa ni Tatay Antonio, nagbabakasakali umanong kilalanin siya bilang isang mahusay na pintor at iskultor.

At marami ngang netizen ang humanga sa talento sa pagguhit ni Tatay Antonio na kahit sa kanyang edad ay nakagagawa pa rin ng mga pang-world class na mga obra.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: