Virgin coconut oil clinical trials bilang panlunas sa sintomas ng COVID-19, maganda ang pinapakitang resulta, ayon sa DOST

  • Patuloy ang pagtaas ng recovery rates sa ipinatutupad na clinical trials ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) sa mga kaso ng COVID-19
  • Sa kanilang trial, ginagamit ang virgin coconut oil (VCO) bilang supplement na panlunas sa mga maraming kaso ng COVID-19 sa Laguna
  • Hinihintay pa matapos ng DOST-FNRI ang 56 participants sa clinical trials ng VCO bago sila magbigay ng konklusyon

Patuloy man ang paglaganap ng COVID-19 pandemic dito sa bansa, hindi rin tumitigil ang ating pamahalaan at mga ahensya na humanap ng maaaring maging lunas o makatulong upang gumaling ang mga pasyente na nagkaroon ng coronavirus.

Imahe mula Facebook

Isa nga sa mga mayroong maituturing na “promising result” ay ang isinagawang clinical trials ng Department of Science and Technology-Food sa paggamit ng virgin coconut oil (VCO) bilang panlunas sa mga kaso ng COVID-19.

Patuloy na isinasagawa ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang VCO clinical trials sa mga pasyente na mayroong COVID-19. Ginagamit ang VCO bilang food supplement sa mga pasyente upang sila ay gumaling na.

Ayon kay Dr. Imelda Agdeppa, DOST assistant scientist at DOST-FNRI officer-in-charge of the Nutritional Assessment and Monitoring Division na nangunguna sa DOST-FNRI VCO clinical trials sa Santa Rosa, Laguna, halos nasa 100 percent ang kanilang recovery rate dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasyente na gumagaling mula sa COVID-19.

Imahe mula PNA

Mula sa 47 participants, 37 na sa kanila ay tapos na sa clinical trial at nakauwi na sa kanilang mga tahanan. Ngunit nilinaw din ni Dr. Agdeppa na hindi pa sila maglalabas ng konklusyon hangga’t hindi pa natatapos sa clinical trials ang nasa 56 participants.

Sa pagsasagawa ng clinical trial, isang grupo ng mga pasyente ay binigyan ng pagkain na mayroong VCO, habang ang isang grupo naman ay binigyan lang ng normal na pagkain at walang VCO. Ang clinical trials ay nagtatagal ng 28 na araw at mayroon ding quarantine period na 14 na araw.

Ang DOST-FNRI clinical trials para sa VCO bilang food supplement ay inilunsad kasama ang DOST-Calabarzon, ang Philippine Coconut Authority (PCA) at ang local government ng Santa Rosa, Laguna sa pangunguna ni Mayor Arlene Arcillas-Nazareno.

Inaasahang makukumpleto na ang clinical trials at magkakaroon na ng resulta sa darating na Nobyembre.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: