Victory Liner nag-donate ng 45-seater bus sa Pampanga upang magamit sa pagbiyahe ng mga COVID-19 patients

  • Ibinibiyahe ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa mga quarantine facility na itinalaga mismo ng pamahalaan upang dito sila magpagaling
  • Upang mas mapadali at maayos ang pagbiyahe ng mga COVID-19 patients sa Pampanga ay nag-donate ang isang bus terminal ng 45-seater na passenger bus
  • Ayon naman sa bus company na ito, hanggang ngayon ay wala pa rin silang biyahe sa mga lalawigan dahil na rin sa banta ng COVID-19

Bukod sa pagiging positibo sa COVID-19, isa sa mga ikinalulungkot ng mga pasyente ay ang pagkawalay nila sa kanilang pamilya upang magpagaling mula sa coronavirus.

Imahe mula sa Pampanga PIO via Facebook

Ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay dinadala sa mga quarantine facility at healing center na itinalaga sa bawat lalawigan dito sa bansa. Bukod sa kinakailangang doble ingat ang pagbiyahe ng mga COVID-19 patients papunta sa mga facility, kulang na kulang din ang ginagamit na transportasyon lalo na iyong mga nasa probinsya.

Kaya naman naisipan ng bus company na Victory Liner na magbalik-tulong sa mga Pinoy sa pamamagitan ng pag-donate ng kanilan bus upang ito ang gamitin bilang transportasyon ng mga ibabyaheng COVID-19 patients.

Sa ulat ng Pampanga Public Information Office, isang 45-seater passenger bus ang ibinigay ng Victory Liner, Inc. sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.

“Mismong si Governor Dennis “Delta” Pineda, kasama si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Angelina Blanco, ang tumanggap sa nasabing donasyon sa kapitolyo nito lamang ika-4 ng Setyembre,” ayon sa Facebook post ng Pampanga PIO.

Imahe mula sa Pampanga PIO via Facebook

Ang bus umano na ibinigay ng Victory Liner ayon kay Gov. Delta ay gagamitin sa pagbibiyahe sa mga COVID-19 positive patients sa lalawigan. Ani ng gobernador, malaking tulong ang bus na ibinigay upang mas makatipid at mapabilis pa ang pagbiyahe sa mga pasyente.

Nagbigay din ng update ang bus company kung kailan sila magkakaroon ng biyahe ng mga bus mula sa iba’t ibang lalawigan. Ayon sa Victory Liner, hanggang ngayon ay wala pang abiso kung kailan muling papayagan na bumiyahe ang kanilang mga bus.

Sa ngayon, ang mahalaga muna ay ang kaligtasan ng bawat Pilipino mula sa COVID-19 at nawa’y unti-unti nang bumuti ang kalagayan dito sa bansa. We heal as one!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: