Tiles sa Plaza Morga sa Maynila, bumalik na ang ganda ng mga kulay

  • Ibinahagi ng Facebook page ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ginawa nilang mga hakbang upang malinis ang lugar ng Plaza Morga sa Tondo
  • Isa sa mga labis na napansin sa pagkalinis ng plaza ay ang pagbalik ng kulay ng mga tiles na noon ay nababalot ng dumi
  • Sa pagkalinis ng Plaza Morga ay mas maraming bumilib kay Mayor Isko at sa mga kasama niyang nangangasiwa dito

Hindi maipagkakaila na isa si Manila City Mayor Isko Moreno sa mayroong pinakamabigat na responsibilidad dahil sa lawak ng kaniyang nasasakupan at sa dami ng kailangan niyang gawin at ayusin sa lungsod.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Dagdag pa rito ay ang pandemya na kinakaharap ng bansa at ang pagdami ng kaso ng COVID-19 partikular na sa Maynila dahil na rin sa dami ng populasyon dito.

Marami mang krisis ang kinakaharap ng lungsod at marami mang pagbabago ang kailangang isagawa rito ay hindi naman nabibigong gawin ito paisa-isa at consistent upang mapanatiling maayos at malinis ang Maynila.

Sa Facebook page na Isko Moreno Domagoso na mayroong mahigit 4 million followers ay laging nagbibigay ng update si Mayor Isko sa mga programang kaniyang ipinatutupad sa lungsod. Ipinapakita ang mga litrato at videos ng mga lugar sa Maynila  na kanilang naisaayos.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Kamakailan nga ay mahigit 117,000 netizens ang nag-react sa ibinahaging litrato ni Mayor Isko ng bagong mukha ng Plaza Morga sa may Tondo, Manila.

Nagpatupad ng power washing operations ang Department of Public Services sa pampublikong plaza na ito at tunay ngang mas lalo itong naging malinis. Ngunit ang lubos na napansin ay ang pagbabalik ng ganda ng mga makukulay na tiles ng plaza.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

“Bumalik na ang kulay ng tiles sa Plaza Morga! Tanggal ang lahat ng libag at nanuot na putik,” ang nakalagay na caption sa mga litrato ng Plaza Morga na mas kapansin-pansin na ang makukulay nitong tiles.

Maraming netizen ang humahanga sa mga proyekto at hakbang na ginagawa ng Manila City local government sa mga nasasakupan nito.

“The first place I will visit after the Pandemic is definitely Manila! I’m so proud of you Mayor Isko Moreno, you’re destined to be the steward of that beautiful City, city that is rich of history,” ayon sa isang nag-iwan ng komento.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: