Sen. Manny Pacquiao at ilang kaibigan, handang gumastos ng tig-P10M para sa 13 TV channels na gagamitin ng DepEd

  • Nais ni Senator at boxing champion Manny Pacquiao na sa darating na pasukan ang lahat ng estduyante ay makatanggap ng pag-aaral kahit sa gitna ng pandemya
  • Kaya naman kasama ang ilan niyang mga kaibigan, sasagutin na ni Sen. Pacquiao ang 13 TV channels na maaaring gamitin ng DepEd para sa distance learning
  • Kasalukuyan nang gumagawa ng mga programa sa radyo at telebisyon ang DepEd dahil hindi lahat ng estudyante ay mayroong gadget at Internet

Palaging nililinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi lamang sa online classes iikot ang blended distance learning sa edukasyon ngayong new normal, dahil gagamit din ng ibang medium tulad ng radyo at telebisyon upang tiyak na makapag-aral ang mga estudyante.

Imahe mula PNA

Isa si Senator Manny Pacquiao sa naniniwalang walang estudyante ang dapat mapag-iwanan sa pag-aaral dahil lamang sa hirap. At tunay nga namang hindi lahat ng pamilya na mayroong estudyante ay kayang makabili ng laptop, at hindi rin lahat ay mayroong malakas na Internet signal.

Upang masigurado na lahat ng klase ng komunikasyon ay magagamit sa darating na pasukan, sasagutin na ng boxing champ ang 13 TV channels na maaaaring gamitin ng DepEd upang ipalabas ang mga learning materials tulad ng educational program.

“Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para may magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos sa gobyerno at mga estudyante. Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan,” ani Sen. Pacquiao sa isang pahayag.

Imahe mula kay Manny Pacquiao via Instagram

Naniniwala rin ang senador na hindi 100% ay naaabutan ng Internet signal sa buong bansa. “Kaya kahit may pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa din nakakasiguro na aabot sa’yo ang mga aralin buhat sa DepEd,” dagdag pa ng senador.

Ayon sa mangangasiwa ng TV channels mula sa kampo ni Pacquiao na si Tim Orbos, humingi rin sila ng tulong sa mga kaibigan ng boxing champ para sa ilulunsad nilang mga TV channels.

Imahe mula kay Manny Pacquiao via Instagram

Sabi ni Orbos sa isang text message galing sa opisina ni Sen. Pacquiao, nasa sampung milyon kada channel ang magagastos. “In our case, our satellite transmission is at the disposal of the senator for the project covering  utlizing our excess bandwidth. His friends are helping out shouldering other costs,” ani Orbos.

Nagpasa na ng proposal sa DepEd ang opisina ni Sen. Pacquiao Sa tala ng DepEd, nasa 24 million na mga estudyante ang nag-enroll ngayong school year. Marami man sa kanila ang mayroon nang mga laptop, mas marami pa rin ang matutulungan kung maitutuloy ang pagkakaroon ng 13 TV channels na nakalaan para sa edukasyon.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: