’Saling pusa’ sa online class, gusto mo rin bang maging kaklase?

  • Kinaaaliwan ngayon ang litrato ng isang estudyante habang ito ay nasa harap ng computer at mayroong online class
  • Imbes na mag-isa lamang ay kasama ng estudyante ang isang pusa na pagmamay-ari pa ng kanilang kapitbahay ngunit gustong-gusto maki-online class sa kanya
  • Kasalukuyang nangangalaga ang estudyante at kaniyang ina ng mga pusa at mayroon din silang mga puwedeng ampunin

Ang “saling pusa,” “salimpusa,” “salingkit,” o “salingket” ay tawag sa mga bata na kasali sa isang aktibidad tulad ng laro o klase ngunit hindi pa opisyal na kasali dahil sa kanilang murang pag-iisip at pisikal na kakayahan. Karaniwang hindi pa sila makasusunod sa mga patakaran o kinakailangang gawin.

Imahe mula sa Pia and the Mimings Facebook page

Ngunit sa isang kinaaliwan na litrato ngayon online, literal na kasali ang pusa sa nagaganap na online class ng isang estudyante mula Valenzuela City. Ang litrato ng estudyante at ng pusa ay nakuhanan ng ina ng estudyante na si Jessica Baang.

Kuwento ni Jessica, isasauli na sana niya ang pusang si “Pau Pau” sa may-ari nito na kapitbahay lang nila. Negosyo ni Jessica ang pagkakaroon ng grooming session sa mga alagang pusa, at katatapos nga lang ng grooming session ni Pau Pau nang bigla nitong lapitan ang kaniyang anak na si Pia habang nasa online class.

“We were fostering her kasi. We gave her a bath, a nail trimming and cleaning ng ears. I was about to bring the kitten home pero she still wanted to play with her I guess,” kuwento ni Jessica na ang tinutukoy ay si Pau Pau at ang anak na si Pia.

Imahe mula sa Pia and the Mimings Facebook page

Bukod sa gustong-gusto ni Pau Pau si Pia, mahilig din umano sa mga pusa ang 12-anyos na si Pia dahil bata pa lamang ay natutunan na niya sa kaniyang ina ang pagpapahalaga sa mga pusa at pagbibigay dito ng pagmamahal.

“We do fundraising for kapon, foster and adoptions, we also do rescues within Valenzuela lalo ‘yung mga abused cats,” kuwento ni Jessica via Philippine Star. Kasalukuyang may inaalagaan sina Jessica at Pia na 11 cats at walong pusa naman ang maaaring ampunin sa mga nais magkaroon ng alagang pusa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: