Sa kaniyang ika-4 na kaarawan, bata namigay ng donasyon habang nakasuot ng superhero costume

  • Ibinahagi ng isang ina ang ginawa nilang selebrasyon para sa ika-4 na kaarawan ng kaniyang anak na lalaki
  • Imbes na maghanda ng mga pagkain o magkaroon ng children’s party, nais ituro ng mga magulang sa kanilang anak ang tungkol sa pagbibigay at pagtulong sa kapwa
  • Habang nakasuot ng superhero costume ay namigay ang birthday celebrant ng mga donasyon sa mga kapus-palad na Pinoy

Ano ang nakagawian n’yong gawin ng iyong pamilya sa tuwing mayroong magdiriwang ng kaniyang kaarawan? Hindi ba nawawala ang handaan at kainan kasama ang iba pang mga kamag-anak at maski kapitbahay?

Imahe mula kay Sky M. Gatdula via Facebook

Kung ito ang nakagawian noon sa tuwing may selebrasyon tulad ng kaarawan, tuluyan na itong binago ng pandemya na nararanasan ngayong panahon. Kaya naman imbes na maghanda ng magagarbo o magkaroon ng pardiriwang ay mayroong ilang Pinoy na namamahagi na lamang ng kanilang biyaya sa araw ng kanilang kapanganakan.

Isa ang anak ng netizen na si Sky M. Gatdula sa mga katatapos lang ang kaarawan kamakailan. Ito ang ikaapat na kaarawan ng anak niyang lalaki na si JK, ngunit imbes na magkaroon ng mga handa o children’s party para sa anak, naisipan ni Mommy Sky at ng kaniyang asawa na turuan ang anak na si JK ng mabuting asal sa kaniyang espesyal na araw.

Imahe mula kay Sky M. Gatdula via Facebook

“Today, on his 4th Birthday(and Dada’s birthday month too) we wanted to teach JK what a REAL superhero does,” ani Mommy Sky sa kaniyang Facebook post. Habang nakasuot kasi ng Red Ranger costume si JK ay namahagi sila ng mga groceries sa mga kapus-palad na mga Pinoy sa daan.

“We wanted JK to experience the happiness of ‘giving’ and the value of ‘helping’ especially in this time of crisis,” dagdag ng ina ni JK. Sabi pa niya, kahit naging mahirap ang panahon dahil sa pandemya, nakatatanggap pa rin sila ng biyaya kaya nararapat lamang na ibahagi ito.

“Anak, sana hanggang pagtanda mo, gawin mo to. Happy Happy Birthday Kuya JK, we all know how you make our lives superb!” ang mensahe ni Mommy Sky kay JK. Tuwang-tuwa naman sa mga litrato ang apat na taong gulang na bata dahil kahit walang party, naranasan naman niya ang maging superhero at makatulong sa kapuwa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: