Puerto Princesa sa Palawan, unti-unti nang bubuksan ang turismo gamit ang P205M budget para sa tourism plan

  • Bilang hakbang upang masagip ang turismo na labis na naapektuhan sa gitna ng pandemya, unti-unti nang bubuksan ng Puerto Princesa sa Palawan ang kanilang tourist destinations
  • Gamit ang nasa P205 milyon tourism plan, una munang bubuksan ang Puerto Princesa sa mga turista mula sa lugar na mabababa ang kaso ng COVID-19
  • Sa final phase ay tuluyan nang bubuksan ang lugar sa mga lokal at international tourists

Hindi lamang mga Pinoy ang gustong-gusto nang lumabas at mamasyal lalo na sa malalayong lugar, kundi pati na rin ang mga lugar na dinarayo sa bansa ay gustong-gusto nang magbukas at tumanggap ng mga bisita.

Public Domain image

Isa ang turismo sa labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Sa halos pitong buwan kasi na nasa ilalim ang bansa sa community lockdown ay marami pa ring establisyimento ang hindi pa nagbubukas habang ang ilan naman ay limitado lamang ang operasyon.

Isa ang Puerto Princesa sa Palawan sa mga lugar na dinarayo ng lokal at international na mga turista bago pa nagkaroon ng COVID-19. At dahil ilang buwan nang hindi nagbubukas ang turismo ng lugar, marami nang kabuhayan ang naapektuhan.

Kaya naman upang masagip ang turismo sa Puerto Princesa, nagkaroon ang city government ng initial budget na P205 milyon na gagamitin upang unti-unting buksan ang lungsod sa mga bisita.

Public Domain image

Nagkaroon ng tourism reopening and recovery plan (TRRP) sa lungsod sa pakikipag-ugnayan sa Strengthening Urban Resilience for Growth and Equity (SURGE), proyekto mula sa US Agency for International Development (USAID). Ayon sa Department of Tourism, kinakailangang magkaroon ng mga COVID-19 laboratory tests na nakalaan para sa mga darating na bisita sa mga lugar na magbubukas na ng turismo tulad sa Puerto Princesa.

Ayon kay city tourism officer  Aileen Cynthia Amurao, magkakaroon ng mahigpit na implementasyon ng health screening para sa mga turista na darating sa Puerto Princesa. Ang mga matutukoy na  symptomatic at asymptomatic cases ay ia-isolate muna sa mga tourism-related establishments sa lugar.

Public Domain image

Sa una ay mga turista mula sa lugar na may mabababang kaso ng COVID-19 ang papayagan muna na mamasyal sa Puerto Princesa. At pagdating ng “final phase” ay papayagan na rin na pumunta sa lugar ang mga iba pang local at maski international tourists.

Tinatayang nasa 330,000 katao ang bumibisita sa Puerto Princesa at kumikita ng mahigit P110 million bago pa nagkaroon ng pandemya at pinasara ang buong lugar.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: