Para mabilis ang signal sa online classes, Tatay gumawa ng ‘balay-balay’ sa gitna ng kakahuyan bilang study area ng anak

  • Ipinagmalaki ng isang netizen ang ginawang study area ng kanilang tatay para sa kaniyang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo at may online classes
  • Gumawa ng “balay-balay” o pansamantalang kubo ang tatay sa mataas na parte sa kanilang lugar kung saan mayroong malakas na Internet signal
  • Dahil pansamantala lamang ang ginawang balay-balay, minsan ay hindi nakapag-aaral ang estudyante sa tuwing malakas ang ulan

Binago ng COVID-19 pandemic ang sistema ngayon sa edukasyon, kaya naman nangangapa pa ang marami sa mga guro, estudyante, at kanilang mga magulang ngunit kinakailangan pa rin nilang sumunod sa “new normal.”

Imahe mula kay Inday Tradiccion Hechanova via Facebook

Bago man sa pandinig ng marami ang “modular distance learning” ay hindi naman bago sa nakararami ang “online classes” dahil noon pa man ay mayroon nang mga nag-aaral online.

Paano kung alam nga ng nakararaming mga magulang ang tungkol sa pagkakaroon ng online classes ngunit hindi naman nila kayang ibigay ang hinihingi nitong requirements tulad ng gadgets at magandang Internet connection?

Marami man ang nahihirapan ngunit hindi naman sila nawawalan ng paraan upang kahit papaano ay makasunod sa itinakdang new normal ng edukasyon.

Isa ang pamilya ni Inday Tradiccion Hechanova, mula sa Tigbauan, Iloilo City sa mga gumawa ng paraan upang makasunod sa online classes ang kaniyang kapatid na kasalukuyang nasa kolehiyo.

Imahe mula kay Inday Tradiccion Hechanova via Facebook

Ipinagmalaki ni Inday ang kaniyang 61 anyos na ama na si Lorenzo Tradiccion Sr. dahil sa ginawa nitong “balay-balay” o pansamantalang bahay para maging study area ng kaniyang kapatid na si Faith, 24 anyos at kasalukuyang kumukuha ng kursong Education.

Kuwento ni Inday, mahirap ang Internet signal sa kanilang lugar, at ang tanging may maayos na nakukuhang signal ay sa may “buklod” o mataas na parte ng lupa sa kanilang lugar.

Sa mga litratong ibinahagi ni Inday ay makikitang sa ilalim ng malaking puno ay mayroong lamesang kahoy at upuan para sa kaniyang kapatid at nilagyan ito ng kaniyang ama ng bubong na gawa sa plastic at mga tuyong dahon.

Imahe mula kay Inday Tradiccion Hechanova via Facebook

Kuwento ni Faith, masaya siya sa nararamdamang suporta at pagmamahal ng kaniyang pamilya ngunit may mga pagkakataon na hindi siya komportable sa study area.

“Katulad minsan,naghahanda na ako para sa aming klase pero biglang ulan nang malakas, wala akong nagawa kundi umuwi na lang,” ani Faith. Ganun pa man ang sitwasyon, patuloy pa rin si Faith sa pag-aaral para sa kaniyang pamilya.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: