PANOORIN: Ang cute na ballet class ni Baby Tali sa kanilang bahay

  • Bata pa lamang ay aktibo na ang dalawang taong gulang na anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria o mas kilala sa tawag na Baby Tali
  • Bukod sa pagpapakita ng kanyang mga dance moves na ibinabahagi ni Pauleen sa kanyang social media, ngayon ay kumukuha na rin ng ballet class si Baby Tali
  • Ibinahagi ni Pauleen ang cute na video clip ni Baby Tali habang sumasayaw ng ballet

Mainam na sa murang edad pa lamang ay maging aktibo na ang mga bata sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng pagsasayaw, pagkanta, pagguhit, at pag-ehersisyo.

Imahe kuha mula sa video ng Eat Bulaga via Instagram

Maraming benepisyo ang makukuha sa pagiging aktibo ng mga bata tulad ng nagpapalakas ito ng kanilang mga puso, baga, at mga buto. Nakadadagdag rin ito sa pagpapahayag nila ng sarili at pagiging malikhain.

Kaya naman kahit dalawang taong gulang pa lamang ay game na game na sa pagsasayaw ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria o mas kilala sa tawag na Baby Tali.

Imahe kuha mula sa video ng Eat Bulaga via Instagram

Unang napanood si Baby Tali na sumasayaw sa mga videos na ibinabahagi ng kanyang ina na si Pauleen sa kanyang Instagram account. At lalong nakita ang galing  niya sa pagsayaw nang lumabas sa segment na “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga.

Habang kapanayam si Bossing Vic ay makikitang lumalabas-labas si Baby Tali sa screen at game na nakikisayaw ng TikTok dance sa mga host at contestants. Marami rin ang humanga sa galing ni Baby Tali nang kantahin niya ang theme song ng Eat Bulaga.

Imahe kuha mula sa video ni Pauleen Luna-Sotto via Instagram

Kamakailan ay ibinahagi ni Pauleen ang video clip ng unang ballet dance class ni Baby Tali sa loob ng kanilang bahay. Makikitang nakasuot siya ng ballet dress at shoes habang sinusundan ang itinuturo ng ballet teacher.

Sa video ay makikitang seryoso si Baby Tali sa kanyang ballet habang nage-enjoy din sa paggawa ng mga dance moves. Maririnig sa video ang ngiti at galak ni Pauleen habang pinapanood ang anak.

Panoorin ang kanyang cute ballet dance video dito:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: