Pagtatanim ng mga puno, isinusulong na gawing mandatory sa mga graduating students at mga magulang na may anak

  • Dalawang panukalang batas ang hinihintay na lamang na maipasa sa kamara upang maging mandatory o sapilitan na ang pagtatanim ng puno ng mga graduating students at mga magulang na may anak
  • Ang kada graduating senior high school at college students ay kinakailangang magtanim ng dalawang puno bilang pre-requisite bago maka-graduate
  • Ang mga magulang naman ay kailangang magtanim ng dalawang puno para sa kada isang anak

Mahalaga sa ating komunidad ang puno dahil bukod sa nagbibigay ito ng sariwang hangin sa ating kapaligiran at lilim, hinahadlangan din nito ang landslide at ang pagbaha sa isang lugar. Mainam din itong sagot sa lumalalang climate change sa mundo.

Imahe mula PNA

Kaya naman napapanahon na malapit nang maipasa ang dalawang panukalang batas sa kamara na magsusulong na gawing mandatory o sapilitan ang pagtatanim ng puno ng mga magulang na may anak at graduating students.

Isa sa mga isinulong na batas ay ang House Bill 6930 o Family Tree Planting Act na naglalayong lahat ng mga magulang, kasal man o hindi, ay kinakailangang magtanim ng dalawang puno para sa bawat isang isinilang na anak, at ito ay itatanim 30 days matapos maisilang ang bata.

Ang puno ay itatanim sa itinalagang lugar ng barangay council sa kanilang lugar na aprubado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Imahe mula PNA

Upang matiyak na susunod sa panukala ang mga magulang, kinakailangan nilang magsumite ng “sworn statement of compliance” sa kanilang local civil servistry bago nila makuha ang birth certificate ng kanilang anak.

Ipinasa na rin ng kamara sa 3rd at final reading ang House Bill 6931 na tatawaging Graduation Legacy for Forestation Act.

Sa ilalim ng batas na ito ay kinakailangan ding magtanim ng dalawang puno ang kada graduating senior high school at college students  bilang pre-requisite bago makapagtapos.

Imahe mula PNA

Sa parehong batas, ang mga itatanim na species ng puno ay kinakailangan umanong nababagay sa lugar at sa klima at ortograpiya nito. Ang mga seedlings naman na itatanim ay magmumula sa gobyerno at sila rin ang mga mangangalaga kapag ito ay naitanim na.

Ayon sa DENR, napapanahon na ang pagtatanim ng puno upang magkaroon ng magandang kalidad ng hangin sa kapaligiran na maaaring makatulong upang mapukso ang COVID-19.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: