Pacquiao ido-donate sa COVID-19 victims ang malaking bahagi ng kikitain sa laban kay Conor McGregor

  • Lumabas ang balita na malaking porsyento ng kikitain ni Manny Pacquiao sa laban niya kay UFC star Conor McGregor ay mapupunta sa mga naging biktima ng COVID-19
  • Ayon sa special assistant ni Pacquiao, halos isang taon nang nag-uusap ang magkabilang kampo tungkol sa magiging bakbakan nila sa ring
  • Sa ngayon ay inaayos na ang kontrata ng kanilang laban at posibleng mangyari na ang kanilang laban sa susunod na taon

Ano kaya ang mangyayari kapag isang boxing champion at isang Ultimate Fighting Championship (UFC) ang maglalaban sa loob ng ring? Sino ang mangingibabaw na kampeon?

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via Facebook page

Ang mga katanungang ito ay maaari nang masagot sa susunod na taon dahil ayon sa balitang lumabas kamakailan, ikinakasa na ang paghaharap sa ring nina world boxing champion at senador na si Manny Pacquiao laban sa mixed martial arts at UFC star na si Conor McGregor.

At ang laban na ito ni Pacquiao ay hindi lang para bigyang muli ng karangalan ang ating bansa kundi para makatulong na rin sa maraming naging biktima ng COVID-19.

“It is confirmed the negotiation between the camp of Senator Pacquiao and McGregor is now starting to move on,” ayon kay Jake Joson, special assistant ng team Pacquiao.

Imahe mula kay Manny Pacquiao via Instagram

Sinabi pa ni Joson na malaking porsyento ng kikitain ng senador sa kanyang laban ay ibibigay niya sa mga lubhang nabiktima ng coronavirus at ng nararanasang pandemic. “The huge portion of his earnings will proceed to those who are affected nationwide by the pandemic,” ani Joson.

Kuwento ni Joson, halos isang taon nang nag-uusap ang kampo ni Pacquiao at ng Irish na si McGregor tungkol sa paghaharap nila sa ring. Ngunit natigil lang umano ito nang magkaroon ng pandemic. Napag-usapan lang muli nang batiin ni Pacquiao si McGregor sa kanyang kaarawan.

Imahe mula kay Conor McGregor via Instagram

Sa ngayon ay inaayos na ng mga abogado ang magiging kontrata ng laban nina Pacquiao at McGregor at inaasahang ang kanilang laban ay gaganapin sa susunod na taon sa Middle East.

“But our beloved Senator doesn’t want to talk about boxing since we are in the middle of the pandemic and this is not the right time for it. His main focus right now is to help here and there, providing relief, shelter, money and food, among other necessities,” ani Joson.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: