Nico Bolzico: Behind all these beautiful father-child pics, there is alway a screaming Solenn

  • Sa kanilang Instagram account ay mahilig magbahagi ng litrato at video ang mag-asawang sina Nico Bolzico at Solenn Heussaff tampok ang kanilang anak na si Thylana
  • Kamakailan ay nag-post si Nico ng nakabibilib nilang father-child pic ni Thylana habang sila ay nasa swimming pool at inihagis ni Nico sa ere ang anak
  • Ayon kay Nico, sa likod ng nakatutuwang litrato na ito ay ang sumisigaw na asawa at pinapaglitan siya

Maraming netizen ang natutuwa sa Argentinian businessman na si Nico Bolzico hindi lang dahil sa ibinabahagi niyang mga nakaaaliw na litrato at video ng asawang si Solenn Heussaff, kundi dahil na rin sa pagiging malikhain niya at pagkakaroon ng sense of humor.

Imahe mula kay Nico Bolzico via Instagram

Karaniwang ibinabahagi ni Nico sa kaniyang Instagram account na mayroong 1.5M followers ang mga alagang hayop na sina Pochola isang American Akita, Negroni aka El Gato, at dalawang tortoise na sina Patato at Pechuga. At nang dumating ang baby girl nila ni Solenn na si Thylane Katana noong Enero, lagi na rin nitong ibinabahagi ang larawan at video ng anak.

Nakatutuwa ang IG account ni Nico dahil sa mga nakaaaliw na larawan at video na kaniyang ibinabahagi. Minsan ay may halong kalokohan ngunit tinitiyak niya na kapupulutan ng aral ang mga inilalagay sa social media.

Imahe mula kay Nico Bolzico via Instagram

Kamakailan ay ibinahagi ni Nico ang larawan nila ng anak na si Thylane habang masayang naglalaro sa swimming pool. Makikita sa larawan na inihagis ni Nico ang anak at nakuhanan ng litrato habang nasa ere pa si Thylane na halatang tuwang-tuwa.

Kuwento ni Nico, sa likod ng masayang larawan nila ni Thylane ay ang sumisigaw na #Wifezilla na si Solenn. “There is always a #Wifezilla behind the scenes, screaming like it was the end of the world, classic phrases like:”

Imahe mula kay Nico Bolzico via Instagram

Are you completely out of your mind?” “Stop immediately, that is so dangerous,” “I knew I couldn’t trust you with her for more than 10 min in the pool,” “Get ready to sleep in the doghouse the whole week,” “Stop it if you don’t want my slippers in your face again,” “We will deal with this when we get home.”

Siniguro naman ni Nico na ligtas si Thylane sa ginawang litrato at binalaan din niya ang ibang ama na huwag gagayahin ang nasa litrato kung sa tingin nila ay hindi ligtas at kung mayroon ding mga asawa na magagalit.


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: