Netizen nakatuklas ng ibang paraan kung paano makikita ang orihinal na larawan sa negative film strip

  • Habang maraming libreng oras ang isang netizen nang magkaroon ng lockdown, naisipan niyang maghalungkat ng gamit sa kanilang bahay
  • Nakita ng netizen ang mga negative film strips ng kaniyang tito na nagamit pa noong 1980s o 1990s at dahil nais niyang malaman kung paano muling makikita ang mga litrato na nasa negative ay nag-search siya online
  • Natuklasan ng netizen kung paano makikita nang malinaw ang mga nakuhanang litrato sa negative film strips

Bago pa nauso ang mga high-tech at advanced smartphone cameras, mirror less cameras, DSLRs, at iba pang modernong cameras, masaya na noon ang mga tao na nakakakuha ng litrato gamit ang mga basic camera na nilalagyan pa ng rolyo ng film.

Imahe mula kay Jh-Arland Pasion via Facebook

Hindi tulad ng mga camera ngayon na agad nang makikita ang litratong kinuhanan, noon ay kailangan pang dalhin sa mga camera center ang nagamit na films upang ipa-develop at makita ang mga kinuhanan ng litrato. Nagtatagal ang prosesong ito ng mahigit isang oras, depende sa dami ng film na ginamit.

Mga negative film strips ang nakita ng netizen na si Jh-Arland Pasion nang maisipan niya umanong maghalungkat ng gamit sa kanilang bahay dahil na rin sa mga libreng oras dulot ng lockdown.

“Hinalungkat ko mga gamit sa bahay namin hanggang sa nakita ko itong lumang picture ng tito ko wayback 80’s or 90’s,” kuwento ni Jh-Arland sa kaniyang Facebook post.

Dahil nais niyang malaman kung puwede niyang makita ang mismong litrato na nasa negative film strip, sinubukan niya umanong mag-research online hanggang sa makita niya ang do-it-yourself tutorial sa YouTube.

Imahe mula kay Jh-Arland Pasion via Facebook

Ibinahagi ng netizen ang step-by-step procedure kung paano maaaring makita nang malinaw ang litrato sa negative film strip gamit lamang ang smartphone at mobile application.

Una ay ilalagay ang negative film strip sa ibabaw ng kahit anong touchscreen cellphone na mayroon lamang na white background. Pagkatapos ay kukuhanan ng litrato ang negative film strip gamit ang isa pang smartphone.

Imahe mula kay Jh-Arland Pasion via Facebook

Kapag nakuhanan na ng malinaw na litrato ang negative film strip, ie-edit na ito gamit ang isang photo editing app. Sa huli ay nakita nga mismo ni Jh-Arland ang orihinal na litrato na nasa negative film na dati ay makikita lamang kapag ito ay pina-develop. Ang galing, ‘di ba? Parang madali lang.

Bisitahin lamang ang post ni Jh-Arland upang malaman ang buong proseso kung paano makikita ang litrato sa negative film. Maaari ding panoorin ang video na kanyang ibinahagi para sa mas malinaw nasteps.


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: