PWD na nangangasiwa sa daloy ng trapiko, tunay ngang kahanga-hanga

  • Hinangaan online ang isang lalaking nangangasiwa sa daloy ng trapiko sa may Pandacan, Manila
  • Ang lalaki kasi na ito ay isang PWD at ginawaran ng posisyon bilang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau
  • Marami namang netizen ang sumaludo sa pagsisikap ng lalaki habang may ilan naman na nangangamba para sa kaniyang kaligtasan habang nasa daan

Nakabibilib ang mga manggagawang traffic enforcers dahil bukod sa nabibilad sila sa ilalim ng sikat ng araw, delikado rin ang kanilang trabaho dahil sa iba’t ibang sasakyan na dumaraan sa kanilang kinatatayuan.

Imahe mula PNA

Layunin ng mga traffic enforcer na ayusin at pagaanin ang trapiko sa lansangan sa pamamagitan ng paggabay sa mga sasakyan lalo na at hindi naman lahat ng lansangan sa buong Pilipinas ay mayroong nakatakdang traffic lights.

Ang mga traffic enforcer ay kinakailangang mahahaba ang pasensya dahil hindi sa lahat ng oras ay masunurin ang mga motorista, may malakas na pangangatawan dahil lagi silang gumagalaw at babad sa initan, at mayroong paninindigan lalo na kung may mga pasaway na motorista na magbibigay na lamang ng suhol upang makaiwas sa batas.

Isang traffic enforcer ang hinangaan online, hindi dahil mahaba ang kaniyang pasenya, malakas ang pangangatawan, o kaya ay mayroong paninindigan — ito ay dahil siya ay isang person with disablity (PWD) ngunit nagagawa pa rin niya ang tungkulin ng isang nangangasiwa sa daan.

Imahe mula kay Danny Pata via GMA News Facebook page

Sa litratong kuha ng photojournalist na si Danny Pata at ibinahagi ng GMA News, itinampok si Ricardo Bulusan, isang PWD na nangangasiwa sa daloy ng trapiko sa panulukan ng Quirino Avenue at Peñafrancia Street sa Pandacan, Manila.

Kahit wala ang isa niyang paa, ginawaran pa rin si Ricardo ng Manila local government unit ng posisyon bilang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau. Libo-libong netizens ang nag-react sa litrato ni Ricardo habang nasa gitna ng daan, nasa ilalim ng initan, at nangangasiwa ng mga sasakyan.

Mayroon mang mga humanga, mayroon din namang mga nangangamba lalo na sa kaligtasan ni Ricardo dahil hindi minsan umano kontrolado ang nangyayari sa daan.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: