Nanay nagbebenta ng DIY sewing kits upang may pambili ng hearing aid ng anak

  • Isang ginang mula Laguna at ang kanyang asawa ang nagbebenta ng do-it-yourself sewing kits upang makalikom ng sapat na pera pambili sa kinakailangan ng anak
  • Ang anak kasi nila ay may kapansanan sa pandinig at nangangailangan ng hearing aid
  • Naging matagumpay ang negosyo ng mag-asawa at nakabili sila ng isang piraso ng hearing aid, tinulungan din nila ang pamangkin na makapag-enroll

Kinakailangang kumayod ng mag-asawang sina Carl at Cheryl Serafico lalo na sa panahon ngayon. Hindi ito dahil sa hirap ng kanilang pamumuhay kundi para ikabubuti ng kanilang anak na si Caiome Zymoun “Czy” Serafico.

Imahe mula kay Cheryl Serafico via Facebook

Ipinanganak si Czy na may severe-profound hearing loss at mild autism. Kinakailangan niyang sumailalim sa behavioral at speech therapy. Bukod pa rito, kinakailangan din niyang magsuot ng hearing aid na nagkakahalaga ng  P65,000 hangggang P120,000 bawat isa.

“Nung 3 years old po siya nabilhan namin ng hearing aid maam ito po yung 6 years niyang gamit gamit hanggang sa last March bumigay na po,” ani ng inang si Cheryl. Dahil dito, nag-isip ang mag-asawa ng paraan kung paano kikita ng malaking halaga upang ipambili ng hearing aid ng kanilang anak.

Nasuspinde ang lahat ng events at activities ng negosyo ng mag-asawa na isang events and designs at nagpi-print din sila ng mga invitation. Dahil sa karanasan sa pagdidisenyo, naisipan ni Cheryl na magbenta ng Do-It-Yourself (DIY) sewing kits.

Imahe mula kay Cheri Handicrafts via Facebook

Sumali siya sa Facebook community na  “Buy Local, for Local” at dito ay nagbenta si Cheryl ng kanyang DIY sewing kits. Naging patok ang kanyang mga ibinebenta at nakalikom sila ng sapat na pera upang makabili ng isang piraso ng hearing aid.

Napagdesisyunan ng mag-asawa na ipagpaliban muna ang pagbili ng isa pang hearing aid dahil tinulungan nila ang pamangkin na itinuturing din na best friend ni Czy upang makapag-enroll.

Imahe mula kay Cheri Handicrafts via Facebook

Kuwento ni Cheryl, laging magkasama sina Czy at ang kanyang pinsan na si Kiara Nicole Serafico. At nang malaman nila na hindi pa ito nakakapag-enroll ay tumulong sila sa pambayad ng tuition fee.

Ngayon ay nag-iipon muli sina Cheryl at Carl upang makabili naman ng isa pang piraso ng hearing aid. Bukod sa DIY sewing kits ay magbebenta na rin sila ng mga Christmas ornaments at decorations. Bisitahin ang kanilang FB page at masdan ang kanilang mga gawa! Puwede na pong umorder.

CLICK on the image for their beautiful products

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: