
- Kinaaliwan ng marami ang mga recent Instagram story ng popular actress na si Nadine Lustre tungkol sa tweet ng kanyang dating kaklase
- Pagbabahagi ng kaklase ni Nadine noong nasa elementarya, nagbebenta noon ang aktres ng kisses na “nagiging Pokemon”
- Wika naman ni Nadine, “na-
scam” lang din siya ng nagbebenta nito noon sa Divisoria
Masayang binalikan ng aktres na si Nadine Lustre ang isang bahagi ng kanyang kabataan: ang panahong nagbebenta siya ng kisses na aniya noon ay “nagiging Pokemon”.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Nadine ang mga screenshots ng tweets ng kanyang dating kamag-aral na si “Paolo”.
Wika ni Paolo, “Nadine Lustre was my classmate in elementary. She sold me kisses, ‘yong parang sago. She told me that when those things grow, they would turn into actual Pokemon. I still bought them because I was a Pokemon fan. Nadine! Those kisses never turned into Blastoise!”
“I’ve lost contact with her since I left our school,” pagbabahagi ni Paolo. “But she was a great friend growing up. Mas kalaro niya kaming boys. Would love to see her in person so after many years pero feeling ko malabo na iyon. At malabo ko na siya masingil doon sa kisses! Hahaha!”
Sa isang hiwalay na Instagram story, pabirong dinepensahan ni Nadine ang sarili at ibinahagi ang ilan sa mga paniniwala na alam niya tungkol sa maliliit at mababangong beads na kung tawagin ay “kisses”.
Sinabi rin niya na hindi talaga sa kanya nanggaling ang maling impormasyon na nagiging Pokemon ang kisses, kung hindi sa binilhan niya ng mga ito.
“The ates in Divisoria who sold it told me that they were Pokemon. Found out in grade six. Good to know I’m not the only one who was scammed by this,” aniya.

Kinaaliwan ng marami ang mga Instagram story na ito ni Nadine. Ilang beses na rin itong naibahagi sa iba’t ibang social media platform.