Mayor Donya Tesoro ng San Manuel sa Tarlac, naging front cover sa isang magazine

  • Sa kaniyang Facebook page at Instagram, ibinahagi ni San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro ang bago niyang naging proyekto
  • Ito ay ang pagiging front cover ng isang magazine na nakalaan para bigyang pugay ang mga nagawa ng local government units sa Pilipinas
  • Ayon kay Mayor Donya, mula sa pagiging ‘barrio girl’ ay naging cover na siya ng magazine

Madalas na naitatampok sa mga magasin ang mga kilalang personalidad na nakapag-iwan ng mabuting impresyon sa mga tao o naging magandang modelo dahil sa mga nakamit na tagumpay.

Imahe mula sa Mayor Donya Tesoro Facebook page

Kabilang sa mga sikat na international magazine ay ang People, Time, Forbes, Rolling Stone, at marami pang iba. Mayroon din naman tayong local magazines dito sa bansa na itinatampok ang mga tinitingalang personalidad tulad ng artista o politiko.

Hindi maipagkakaila na ngayong taon ay marami ang humanga sa kagandahan at napabilib sa pamumuno ng 28-anyos na si Donya Tesoro, ang kinilalang “millennial” mayor ng San Manuel, Tarlac.

Unang umugong ang pangalan ni Mayor Donya nang siya’y itambal sa parehong “millennial” mayor na si Mayor Vico Sotto ng Pasig City. Marami ang nakapansin kay Mayor Donya dahil bukod  sa nakabibighani niyang hitsura ay nakabibilib din ang kaniyang pamamalakad sa nasasakupan.

Imahe mula sa Mayor Donya Tesoro Facebook page

Kaya hindi na rin nakapagtataka na tampok ngayon si Mayor Donya sa isang local magazine at ang balitang ito ay masaya niyang ibinahagi sa kaniyang Facebook at Instagram account.

“This girl from the barrio is now on the cover of @leaguemagonline. See? Prayers do come true when you keep doing good things for others,” ang nilagay na caption ng San Manuel mayor kasama ng kaniyang litrato.

Imahe mula sa Mayor Donya Tesoro Facebook page

Ayon sa Facebook page ng League Magazine Online, sila ang kauna-unahang magazine na nakatuon upang bigyang pugay ang lokal na gobyerno dito sa Pilipinas. “It chronicles the bold efforts undertaken by local government units (LGUs) in the Philippines.”

Tinawag ng League Magazine Online si Mayor Donya na “A Passionate Traiblazer” dahil na rin sa kaniyang dedikasyon sa pamumuno.

Marami naman ang bumati kay Mayor Donya, at nabanggit naman niya na kung sino man ang bibili ng kopya ng magazine ay mayroong video greeting mula sa kaniya.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: